MANILA, Philippines - Muling magpapasaya ng libu-libong manonood ang Kapuso Kombo Panalo sa pamamagitan ng mas exciting na mga premyo ngayong 2014.
Maaari pa rin pumili ang mga participants ng premyo na nais nilang mapanalunan mula sa tatlong packages na nagkakahalaga ng mula P15,000 hanggang P30,000, kabilang ang appliance package, grocery package, at eskwela package. Bukod dito ay mayroon ding mobile phones at cash prizes na ipamimigay kaya naman mahigit P2 million ang kabuuang halaga ng premyong maaring mapapanalunan.
Magkakaroon ng 16 weekly winners ng Kombo prizes, 8 weekly winners ng mobile phones at 8 daily winners ng P5,000 cash.
Para sumali, mangolekta lamang ng proof of purchase mula sa mga participating brands at ilagay sa white legal envelope kasama ang isang papel kung saan nakasulat ang contact details ng sasali, lagda, at ang nais mapanalunang Kombo prize. Sa likod ng sobre, kailangang isulat ang “Kapuso Kombo Panalo,” ang buong pangalan ng brand na nakapaloob, at ang rehiyon kung saan nakatira (NCR, Luzon, Visayas, o Mindanao).
Ihulog lamang ang mga entries sa mga drop box na mahahanap sa lahat ng GMA TV at GMA Radio stations nationwide. Ang pagpapadala ng entries ay nagsimula noong July 26 at bukas hanggang September 5, 2014.
Kasama ng GMA sa Kapuso Kombo Panalo ang mga sumusunod na brand: Plemex, Nestea Iced Tea, Maggi, Nescafe Creamy White, Lucky Me! Spicy Hot Beef, Crispy Fry Breading Mix, Colt 45, Voice Combo Choco, at Bear Brand Powdered Milk Drink.
Ang mga pangalan ng magwawagi ay i-announce sa GMA 7 at GMA News TV, at makakatanggap din sila ng liham sa pamamagitan ng registered mail.
Para sa karagdagang impormasyon, manood lamang ng Kapuso Kombo Panalo plugs sa GMA at GMA News TV o bisitahin ang GMA Network portal, www.gmanetwork.com/promos/kapusokombopanalo o ang Kapuso Kombo Panalo Facebook page sa www.facebook.com/kombopanalo. Maari ring basahin ang mga posters na mahahanap sa lahat ng GMA TV at GMA Radio stations nationwide o tumawag sa promo hotline, 922-7372 (Metro Manila) o 1800-10-922-7372 (sa labas ng Metro Manila) mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing oras ng opisina lamang.