Sayang ang ganda, young actress walang modo sa matatanda

Ang ganda ng young star na ito at sa unang tingin ko sa kanya, alam kong may future siya na maging big star. Una, talagang maganda siya,  ok ang height at may mga series siya sa isang network. Kaya lang, nanghihinayang ako sa kanya, may ugali siyang hindi maganda. Hindi siya marunong gumalang sa mga matatanda. Diring-diri sa matatanda, saka bastos siya. Pero kapag alam niyang may press people sa paligid, very sweet, biro rito, biro roon! Sayang at maldita ang young actress na ito!

Imelda Papin may maagang pamasko

Good news ito sa mga die hard fans ni Imelda Papin, ang Asia’s Queen of Sentimental Songs. Dahil inihahanda niya with sisters Gloria and Aileen na mga noted singers din ang isang malaking concert bago mag-Christmas. First time mangyayari sa Papin sisters ito, kaya naman kaabang-abang. Magagaling kumanta ang mga anak nina Gloria at Imelda, mga apo, at iba pa na kasama sa concert. At least  binigyan nila ng katapusan ang dream ng kanilang ina, si Mamay Justina Papin at ama na si Papay Rosendo na magsama-sama sila para sa isang concert at recording.

Show comments