^

Pang Movies

Dennis binabantayan ang bunso para hindi burahin ang apelyido niya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Madalas na nakikipag-ugnayan si Dennis Padilla sa mga tauhan ng Quezon City Justice Hall dahil nag-aalala siya na baka mag-file din ng petition ang kanyang bunsong anak na si Leon Marcus para mapalitan ang family name nito.

 Nalaman kasi ni Dennis na bukod sa panganay na anak na si Julia, nauna na ang kanyang second daughter na si Claudia na mapalitan ang apelyido nito from Baldivia to Barretto.

Baldivia pa rin ang apelyido na ginagamit ng solong anak na lalake ni Dennis pero sa Instagram account ni Gretchen Barretto, Leon Barretto na ang pakilala ng aktres sa kanyang pamangkin.

Kumbinsido si Dennis na walang kinalaman ang kanyang mga menor de edad na anak sa pag-itsapwera sa apelyido niya kaya desidido siya na gawin ang lahat para manatili na Baldivia ang family name ng mga bata.

Kuwento sa sex video ni Paolo, buo na

Buo na ang kuwento tungkol sa pagkalat ng alleged sex video (s) ni Paolo Bediones.

Ipina-repair niya ang laptop na nasira na naglalaman ng mga video kaya kumalat ito.

Kung sinuman ang nag-repair ng laptop ni Paolo, tiyak na may kinalaman siya sa paglaganap ng private video.

Magiging madali na kay Paolo na tukuyin ang salarin na nanggulo sa kanyang tahimik na buhay.

May aral na matututunan sa nangyari kay Paolo. Una, huwag kunan ng video ang inyong mga intimate moment. Kung hindi makatiis, siguraduhin na burado ang mga private video na naka-store sa inyong mga laptop na nagkaroon ng depekto o mas makabubuti na sirain  ito bago itapon.

Marami na ang insidente ng mga sex video na hindi ganap na nabubura kahit na-delete na ito mula sa laptop o sa cellphone tulad sa nangyari noon sa private video ng isang komedyana.

Ipina-repair ng boyfriend ng komedyana ang defective cellphone. Binura niya ang lahat ng mga video at impormasyon na nakalagay sa cellphone pero na-retrieve pa rin ito ng technician. Ang ending, kumalat ang private video na mahirap itanggi dahil malinaw na malinaw ang face ng komedyana.

Pinaka-safe pa rin na huwag kunan ng video ang inyong pakikipagtalik para walang ebidensiya.

Ex ni Tom gustong ligawan ni Erik, dedma na kay Angeline

Ang kawalan ng oras dahil sa kanyang busy schedule ang explanation ni Carla Abellana kaya hindi muna siya tumatanggap ng mga manliligaw.

Pero ibang kaso kung halos araw-araw na magkasama sila ng mhin na nali-link sa kanya na loveless din.

Si Tom Rodriguez ang tinutukoy ko na leading man ni Carla sa My Destiny.

Hiwalay na si Tom sa kanyang singer girlfriend na si K-La Rivera na introducing sa indie movie na S6parados.

Dahil parehong loveless, sina Carla at Tom ang natsitsismis sa isa’t isa na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.

Pamilyar ang name ni K-La Rivera dahil sa naging relasyon niya kay Tom.

Hindi ko matandaan ang itsura ni K-La pero may nagbulong sa akin na siya ang type na ligawan ni Erik Santos.

Nagkasama sina Erik at K-La sa S6parados at mukhang dito nabihag ni K-La ang puso ni Erik na nauugnay naman kay Angeline Quinto. Si Erik na talaga ang playboy ng taon  dahil hindi siya nawawalan ng girls na nali-link sa kanya.

Pareho sina Erik at Enchong Dee na natsitsismis sa kanilang mga co-star. Napabalita na nanligaw noon si Enchong kay Julia Montes pero walang nangyari.

May girlfriend na ngayon si Enchong, sabi niya, kaya hinihintay na rin ang pagkakaroon ni Erik ng karelasyon.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

BALDIVIA

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS PADILLA

ERIK

K-LA

K-LA RIVERA

VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with