Richard manghihingi na ng tulong sa mga doktor para mabuntis uli si Lucy
“I enjoy hosting game shows,” sabi ni Richard Gomez nang makausap ng mga entertainment press sa taping ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay! “Kahit saang network, basta hindi magko-conflict sa aking work, pwede ako. In fact, may offer din ang GMA 7 na game show, pero natagalan sila sa pakikipag-usap sa franchise holder, nauna itong sa TV5, kaya ito na muna ang ginawa ko. Hindi ko naman isinasara ang sarili ko sa offers, hindi naman kasi ako contract star ng anumang network.”
Magiging co-host ni Richard si K Brosas pero sa mga first taping days niya ng game show, mas gusto niyang makasama ang barkada niya noon pa, like sina Joey Marquez, Anjo Yllana, at Antonio Aquitania.
Medyo mahirap daw ang game dahil ang mga contestants, kapag ginawa na ang challenge, hindi pwedeng maringgan sila ng ingay dahil may giant noice-meter na gamit ang show. Tingnan nga natin kung kayang mahila ng contestant ang isang plastic sheet na nasa ilalim ng isang cup na walang ingay.
Mapapanood na ang game show simula sa Sunday, August 10 at 8:00 p.m.
Nabiro si Goma na fifteen years old na ang only daughter nila ni Rep. Lucy Torres-Gomez, si Juliana, hindi na ba nila susundan? “Hindi naman kami nagku-control, napag-usapan namin ni Lucy na mag-try kami one more time, I don’t know how, baka mag-seek na kami ng medical help. Minsan nga naiisip ko na noong bata pa ako takot akong makabuntis, ngayong may asawa na ako at hindi na nasundan si Juliana, mahirap din pala. Sana pala nakabuntis na ako noon,” natatawa pang wika ni Goma.
Indie ginamitan ng Dolby sound
Thankful kami kina Direk Louie Ignacio at line producer Dennis Evangelista na isa kami sa unang nakapanood sa Asintado mula sa Ignacio Films.
First Cinemalaya entry ito ni Direk Louie who is also the director of photography, ay ginamit niya ang annual Taong Putik festival para kay St. John the Baptist at mismong sa Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija sila nag-shooting.
Mahuhusay ang acting ng mga artista sa pelikula.
Kapuri-puri ang technical works ni Direk Louie, lalo na ang cinematography, ang production design at paggamit nila ng Dolby sound, music, at vocals ni Jonalyn Viray, hindi mo nga iisiping isa itong indie film na ginastusan lamang ng P 3.5 million. Sa August 2 ang gala night ng Asintado sa Cultural Center of the Philippines, 6:15 p.m
- Latest