Aga at Lea parehong nagpapapayat, pelikula nila tuloy na

 Heard na nakipag-meeting na si Aga Muhlach with Star Cinema’s big bosses dahil tuloy pa rin ang muli nilang pagtatambal ni international actress/singer Lea Salonga sa isang pelikula ng production. 

Maayos daw ang naging usapan, wala pa lamang exact date kung kailan sila magsisi­mulang mag-shooting dahil humingi pa ng ilang panahon si Aga to lose weight.  Biro raw nito, lumaki ang katawan niya dahil ma­ta­gal siyang napahinga pagkatapos ng last TV show niya sa TV5, ang Let’s Ask Pilipinas na muling ibinalik ng Kapatid Network, pero si Ogie Alcasid na ang host ngayon.  At hindi nga raw nakaapekto sa kanya ang balitang hiwalay na sila ng wife niyang si Charlene Gonzales at ang latest na ipinakakalat sa Facebook at Twitter na patay na raw siya, ng  bashers na walang magawa.  Masaya si Aga with wife Charlene at mga anak na sina Andres at Atasha at buhay na buhay naman siya.

Suwertihin pa kaya si Marian

Congratulations sa mga mananalo sa iba’t ibang cate­gories ng Yahoo! Celebrity Awards mamayang gabi sa SM Mall of Asia Arena in Pasay City.

Muli kayang swertihin si GMA Primetime Queen Marian Rivera na manalo sa iba pang cate­gories na nominated siya?

Nauna nang nanalo ng Yahoo! Celebrity Magnet of the Year si Marian nang i-launch ang awards night last month.  Said category raw ang highest award ng Yahoo! Ph.                                                 

Rachelle Ann ayaw pang umuwi ng ‘Pinas

Nag-post si Rachelle Ann Go sa Twitter na “one more day, then I’m off on holiday, woohoo!”  Kaya nag-tweet kami sa kanya kung uuwi ba siya ng Pilipinas to rest from her performances as Gigi sa Miss Saigon at Edwards Theater in London. Sumagot naman agad si Rachelle Ann na hindi raw siya uuwi ng bansa, may four days daw lamang siyang off then back to work again siya.  Binati rin namin si Rachelle sa magagandang reviews ng kanyang performances sa musical play, na marami nang mga kababayan natin ang nakapanood.  Ilan dito sina Direk Mark Reyes, co-champion singer Erik Santos at ngayon nga naroon ang mag-inang Marjorie at Julia Barretto.

Gall stones ni Gabby natanggal na

Nakalabas na ng hospital ang mahusay na actor na si Gabby Eigenmann na hindi na pwedeng hindi magpaospital para matanggal ang gall stones. Being a good and professional actor, tinitiis lamang pala ni Gabby ang sakit na nararamdaman lalo na kapag nasa taping siya ng afternoon prime drama series niyang Da­ding with Glaiza de Castro, Benjamin Alves, Chynna Ortaleza, at Gardo Versoza, directed by Ricky Davao. 

Biro tuloy kay Gabby, baka hindi siya sanay gumanap na beki kaya nagkaroon siya ng gall stones. 

But in fairness kay Gabby, ang husay-husay niya sa character na ginagampanan. Hindi lamang siya nagpa­patawa kundi maiiyak ka sa mga hirap na pinagdaraanan ng mga mababait na beki tulad ng role niya as Carding, ang mabait na asawa ni Beth (Glaiza) at tatay-tatayan ng anak nitong si Precious.

Thankful si Gabby sa production at sa writers dahil nagawan ng paraan na hindi siya mawala sa eksena na araw-araw napapanood after ng The Half Sisters.

Show comments