Excited na si Direk Louie Ignacio sa kanyang kauna-unahang pagsali sa Cinemalaya Independent Film Festival - Director’s Showcase.
Tiniyak ni Direk Louie na hindi ito ang una at huling paggawa niya ng indie film dahil for the first time ay nagkaroon siya ng artistic freedom sa movie na Asintado. Wala siyang boss o producer na nagdidikta habang ginagawa ang pelikula.
Siya lahat ang nagdesisyon sa maselan at ambitious indie film. Sa trailer pa lang na ipinakita niya from his cell phone na ipinanood sa break time ng Marian show ng GMA 7 ay impressive na ang eksena nina Aiko Melendez at Jake Vargas. Makikita rito ang kanilang mga crying scene na na-shoot sa mismong celebration ng Taong Putik Festival kamakailan at ang actual location ay ginawa naman nila sa Bibiclat, Nueva Ecija.
Kahit ang poster ng Asintado ay mismong si Direk Louie rin ang gumawa at ipinatrabaho lang niya kay Danny Tan ang music ng movie.
Si Socorro Villanueva ang sumulat ng Asintado na isang Palanca Awardee. Kasama sa cast sina Gabby Eigenmann, Rita de Guzman, Rochelle Pangilinan, at ang child star na si Miggs Cuarderno.
John Regala may payosa mga batang artista
Pagkatapos magbigay ng mga problema si John Regala sa role niya sa Beki Boxer, nakikipag-negotiate naman ang manager niyang si Veronique del Rosario sa GMA 7 para sa isang role na gagampanan nito sa isang project.
Kapag nagkataon, sa Kapuso Network naman maghahasik ng lagim si John.
Pakiramdam ni John, manghihina siya kapag hindi siya umaarte sa harap ng kamera. Payo niya sa mga mas batang artista ay seryosohin ang kanilang trabaho at laging i-enhance ang kanilang akting at dapat daw ay hindi tumigil sa pag-aaral.
Proud naman si John sa kanyang tatlong puro panganay na anak na lalaki dahil kahit gustong pumasok sa showbiz ay sinunod ang payo niya na magtapos muna ng kanilang pag-aaral. Ang panganay niya na 22 years old ay magtatapos na ng engineering, ang pangalawa ay graduating naman ng mass com. At ang bunso niyang nasa Amerika ay isang stage actor na.
Hindi man daw siya perpektong ama, pinipilit niyang i-guide ang kanyang mga anak sa tamang landas.