^

Pang Movies

Iniwan ang anak sa taping: Tsismosang stage mother nasindak sa drama actress!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagkuwento nga ang isang drama actress na kinompronta niya ang isang stage mother dahil ipinagkakalat daw nito na inuuwi raw ng kapitbahay nilang young actor ang kinakapatid niyang young actress.

Nalaman kasi ng drama actress mula sa isang kaibigan na ipinagkakalat daw ng stage mother na ito na pokpok ang young actress na girlfriend ng kanilang neighbor sa condominium building na young actor.

Madalas daw iuwi ni young actor ang young actress sa kanyang condo unit at doon nga raw nagpapalipas ng magdamag ang dalawa.

Dahil nga very close sa kanyang kinakapatid si drama actress, nagpakita siya ng concern dito at tinanong niya ito kung totoo na nagpapalipas siya ng magdamag sa condo ng young actor.

Nag-deny nga ang young actress dahil never pa nga raw siyang nakakarating sa condo ng young actor. Ilang beses na raw siyang niyaya nito pero ilang beses din siyang tumanggi.

Kung may inuuwi nga raw na babae si young actor, baka kung sino lang daw iyon. Nakipag-break nga si young actress sa young actor dahil sa pagiging mapilit nito.

Nang malaman ni drama actress na nasa studio ang stage mother dahil sinamahan nito ang kanyang anak sa isang guesting, hinanap siya agad ni drama actress para komprontahin at sitahin sa pagkakalat na pokpok ang kinakapatid niya.

Noong magharap sila, hindi napigilan ni drama actress na magtaas ng boses sa stage mother dahil sa mga paninira na ginagawa nito sa kanyang kinakapatid.

Dahil sa sobrang takot ni stage mother ay bigla na lang itong umuwi at iniwan na ang anak niya sa studio.

Nag-text na lang daw ito na sumama ang pakiramdam at kailangang umuwi. Pero ang totoo ay natakot siya sa talak ni drama actress kaya umuwi na lang ito.

Hindi nakatanggi kay Direk Joel: Allen naghubo’t hubad na naman

Sa edad na 36 ay umaariba pa rin si Allen Dizon sa paggawa ng mga maseselang love scenes sa mga indie films.

Sa bago nga niyang indie film na Kamkam, nagpakita na naman ng kanyang hubad na katawan si Allen dahil sa love scenes with Jackie Rice and Jean Garcia.    

Nagsabi na noon si Allen na last time na niyang magpakita ng hubo’t hubad niyang katawan sa indie film na Lauriana. Pero hindi nga raw siya nakahinde kay Direk Joel Lamangan at may rason naman daw kung bakit kailangan niyang gawin ang mga maseselang love scenes.

 “Barako kasi ako rito na may tatlong asawa. Pinapakita ng character ko na very sexual siya talaga.

 “Malaki ang tiwala ko kay Direk Joel dahil ilang beses na niya akong nadirek sa mga magagandang pelikula.

 “Saka nasa kondisyon pa rin naman ang katawan natin kaya hindi nakakahiyang maghubad ulit ako,” tawa pa niya.

First time nga niyang makasama sa pelikula sina Jackie Rice, Jean Garcia at Sunshine Dizon na gumaganap na mga asawa niya.

 Sa July 9 na ipapalabas ang Kamkam.

Chris Colfer ‘pinatay’ ng hacker!

Gusto ngang linawin ng Glee star na si Chris Colfer na hindi totoo ang balitang tinanggal na siya sa kanilang TV show.

Si Chris Colfer ang gumaganap sa role na Kurt Hummel sa Glee.

Naging biktima kasi si Chris ng isang hacker at nakapasok ito sa kanyang Twitter account at nag-tweet ito na dahil sa personal issues ay kailangan daw siyang alisin na sa show na Glee.

Naalarma nga si Chris dahil ‘yung oras na lumabas ang naturang tweet sa kanyang account, kasalukuyang nasa eroplano siya from London at wala siyang Wifi access sa plane.

Kaya ang hinala nila ay may nag-hack sa kanyang account on Twitter at gumawa ang mga ito ng malaking issue.

 

vuukle comment

ACTRESS

CHRIS COLFER

DAHIL

DIREK JOEL

KANYANG

SIYA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with