Sarah nuknukan ng hinhin, malabong isuko ang virginity kay Matteo

MANILA, Philippines - Nagiging pustahan ngayon ang virginity ni Sarah Geronimo matapos niyang aminin na sila na nga ni Matteo Guidicelli.  Nahalikan na kaya siya?

Naniniwala kaming hindi muna isusuko ni Sarah ang Bataan kay Matteo. Kilala siya sa kahinhinan at hindi sa kalandian.  Hanggang ngayon, hindi pa siya nagpapahalik sa pelikula kahit kaninong leading man! Tinalo pa niya si Kim Chiu sa kahinhinan.

Feeling namin, hindi niya type ang makipag-pre-marital sex!  ‘Pag ginawa niya ito, baka kalbuhin siya ni Mommy Divine!

Kahilera ni Sarah sa pagkamahinhin sina Julia Barretto at Janine Gutierrez mas matanda siya sa mga ito.  Ewan kung pwedeng isali sa liga nila si Kathryn Bernardo?

Iwa may problema pa sa dating asawa

Hindi pa annulled ang kasal ni Iwa Moto kay Mickey Ablan kaya kahit nagka-anak na siya kay Pampi Lacson, hindi siya mapakasalan nito. Suwerte si Jodi Sta. Maria dahil annulled na ang kasal nila ni Pampi. Pwede na talaga silang pakasal ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Show comments