Shaina naghihintay pa sa lalaking bigay ni Lord

MANILA, Philippines - Very positive ang outlook ng Kapamilya actress na si Shaina Magdayao sa kabila ng pagiging loveless niya ngayon, samantalang karamihan sa kanyang close friends ay involved na sa mga romantic reletionships. Naniniwala kasi siyang darating ang tamang tao at right man for her at the right time. 

Wala raw siyang nakikitang problema being single dahil she’s making the most out of it. Happy and she’s living the life to the fullest with her family and friends around.

Hindi naman daw siya nakararamdam ng inggit sa mga kaibigang mayroon love life ngayon.

Nakapag-moved on naman daw siya from her last heartbreak at naniniwala siyang darating ang tamang lalaki para sa kanya.

At ngayon ngang naghihintay siya for Mr. Right, masaya si Shaina na napaliligiran siya ng mga inspired people.

Ilan sa mga close friends ni Shaina ay sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, and Angel Locsin – na pare-parehong nasa masasayang relasyon ngayon.

 â€œHindi (ako naiinggit sa kanila). I’m happy for them. I know that my time will come. Bakit naman tayo maiinggit, eh alam naman natin na ibibigay ni Lord ‘yun kapag gusto na niya,” paliwanag pa nito.

Meanwhile, since last year, ay nali-link na si Shaina kay Piolo Pascual pero hindi raw talaga sila mag-sweetheart ng guwapong aktor kundi magkaibigan lang talaga.

Sa interview ni Piolo ay sinabi nga nitong, â€œShe will always be a special friend, pero ‘yun lang. We are (still close). We always see each other at ASAP. We have the same group of friends. Hindi naman malayo,” sey pa ni Piolo na bida sa seryeng Hawak Kamay ng ABS-CBN.

Aminado rin ang binata na pareho silang busy ngayon ni Shaina.

“Honestly, pareho kaming busy. I guess what’s good with Shaina and I, we were able to keep the friendship, ‘yun ang importante. Parang in the long run, you want to be able to preserve the relationship you’ve started. Napakaliit ng mundo natin,”sagot pa nito.                            

Show comments