MANILA, Philippines - Namamayagpag ang mga lalaking Eigenmann ngayon sa shows ng GMA, huh! Tanging si Geoff lang ang nawawala sa sirkulasyon matapos ang fantaserye niyang Adarna at magwakas ang relasyon nila ni Carla Abellana, huh!
Nasa The Half Sisters si Ryan na kapatid ni Geoff habang si Gabby Eigenmann naman ay nasa Dading.
Lumutang rin si Sid Lucero, kapatid sa ama ni Gabby, sa bagong drama ng network na My Destiny. Kaya naman curious ang media sa pakikipag-trabaho ni Sid sa ex-girlfriend ng pinsan na si Geoff.
Dapat nang lumutang si Geoff para hindi siya maburo at mahuli sa mga kamag-anak sa pagpapakita ng kakayahan sa pag-arte, huh!
Senior actor biglang bumait
Lumambot daw ang puso ng isang senior actor nang malaman ang hindi niya nalalamang kuwento ng buhay ng isang junior actor. May duda ang seÂnior actor sa kabaitan ng junior actor dahil sa mga lumalabas na tsismis sa huli.
Pero nang mag-usap nang masinsinan ang dalawa, hindi lang sa junior actor nagbago ng pakikisama ang senior actor. Maging sa iba niyang kasamahan sa trabaho ay lumutang ang pagiging maunawain niya.
Sa halip na kabuwisitan ang junior actor sanhi ng nakararaÂting na balita sa kanya, inaalam muna niya ang side nito bago siya maging judgmental. Happy naman ang kasamahan ng senior actor dahil nabawasan na ang sungit niya, huh!
Vaness umaming nambu-bully at masama ang ugali!
Takot din ang kontrabida na si Vaness del Moral na magbida sa isang programa. Hindi niya kasi batid kung mami-meet niya ang standards na kinakailangan sa isang bida.
Isa si Vaness sa mga Kapuso Kontrabida Girls na iniharap sa press ng GMA Artist Center last Tuesday. Hindi man siya lumilebel sa mga sikat na bagong kontrabida ngayon, feeling ng aktres, ‘yung performance niya sa series na Faithfully ang best na ginawa niya.
“’Yun ‘yung isa sa pinakagusto ko sa roles na nagampanan ko sa tanang buhay ko kasi ang sama-sama ko roon,†saad niya nang makausap namin.
Hindi ba siya nagsasawang maging kontrabida gaya ni Allesandra de Rossi na nagsawa na sa salbaheng role?
“Hindi naman po ako nagsasawa. Kasi iba-iba naman ang role. Magkakaiba talaga. It depends na lang sa characterization, sa pag-build up mo sa character na ginagampanan mo. Kung ang gagawin mong atake is pare-pareho lang, ‘yon, magsasawa ka talaga. Pero bibigyan mo ng variations, ibang level, I don’t think magsasawa ka,†katwiran ni Vaness.
Wala bang kaparehong ugali sa totoong buhay ‘yung kontrabida roles na ginagampanan niya?
“Sa totoong buhay? Sa totoong buhay, masama talaga ang ugali ko! Ha! Ha! Ha!†tugon ng kontrabida.
Bakit niya nasabi ‘yon?
“Hindi ko alam! Ha! Ha! Ha! kasi mahilig akong mang-asar! Bully ako kasi nu’ng high school ko, grade school ko. Nambu-bully ako!
“Feeling ko, kahit sa totoong buhay, pag sa show at sa totoong buhay, ‘yung pagiging bully yata is one thing in common sa characters na pinu-portray ko! Ang pangit! Ha! Ha! Ha!†natawa ring sabi ni Vaness.
Paanong nangyayari ang pagbu-bully niya?
“’Yung asar at pag-uutos ko! Kunwari, pautangin kita. Pero gagawin ang book report ko. Sige pag hindi mo ginawa ‘yan, yari ka sa akin! Ha! Ha! Ha!’Yung mga ganoon. Ganyan ‘yung ginawa ko minsan sa high school nang may mangutang sa akin! Ha! Ha! Ha!†pagbabalik-tanaw ni Vaness sa kalokahan nu’ng high school pa siya.