^

Pang Movies

Nora kamukha raw ni GMA kaya hindi naging National artist?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi lang pala sina Nora Aunor at Dolphy ang naglalaban sa pagka-National Artist for film. Maging ang anak pala ni Direk Celso Ad Castillo ay umaasa na pararangalan din ang kanyang namayapang ama.

Sa isang dating interview, sinabi ni Christopher Ad Castillo noon pa dapat ito naibigay sa kanyang ama. “My father and Dolphy deserve it more than anyone else and they both should get it this year. Give them their just dues for they have given their body and soul to the industry,” sabi ng anak ng namayapang director sa kanyang Facebook account.

Sa lumang interview naman ni Ronnie Quizon, anak ni Dolphy, sinabi naman nitong hindi na sila umaasa sa nasabing award.

“As I’ve said before, our family is not desperate to have the award on behalf of our dad. That would be so insulting. We are more than content with whatever my dad has achieved and accomplished in his life, and particularly mentioning the love shown by a nation, in return for his contributions to society and the industries where he dedicated his life and work.”

Samantala, running joke ngayon na kaya naman daw inilaglag ng Malacañang sa pagka-National Artist si Ate Guy ay dahil kamukha raw ito ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Hahaha. Yah, yun daw ang rason kaya hindi feel ni Pangulong Aquino si Ate Guy lalo na nga’t ikinampanya pa raw ito ng superstar.

Meron namang nagsabi baka Vilmanian ang Pangulo.

Well lahat naman ito ay haka-haka lang dahil hindi naman natin alam kung ano nga rason at laglag si Ate Guy kahit lumulutang na moralidad daw ang isyu.

Anyway, hindi ko napanood pero nag-react daw si Kris Aquino sa The Buzz at sinabi nitong maraming inaasikaso ang kapatid niyang pangulo para sa ekonomiya ng bansa kaya hindi nito natutukan ang isyu ng bagong deklarang national artists kung saan ‘di nakasama si Ate Guy.

Nanay ni Sarah nagiging OA na

Parang wala na sa lugar ang pag-e-emote ng nanay ni Sarah Lahbati.

Parang in a way kasi ay sinusumbat na niya ang ginagawa niyang pag-aalaga sa kanyang apo na si Zion noong hindi pa siya inilalantad ng kanyang mga magulang na sina Richard Gutierrez and Sarah.

Ba’t hindi niya kausapin ng personal ang anak at saka ilabas ang sentimyento?

Maigi na lang at kahit paano ay may ibang isyu na nagsusulputan kaya nawawala sa tampo ni Mrs. Lahbati ang atensyon ng mga mahihilig sa tsismis sa showbiz.

                                                                                                               

 

vuukle comment

AS I

ATE GUY

CHRISTOPHER AD CASTILLO

DIREK CELSO AD CASTILLO

DOLPHY

KRIS AQUINO

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with