Gabby meant to be na maging bading!
Meant to be nga para kay Gabby Eigenmann ang pagbibidahan niya sa GMA Afternoon Prime na Dading dahil kilala ang mga Eigenmann na mahusay gumanap sa mga gay roles.
Nanalo ang ama ni Gabby na si Mark Gil para sa role nito na bading sa pelikulang Palipat-lipat, Papalit-palit ni Lino Brocka noong 1983. Nanalo ito ng best supporting actor sa Gawad Urian.
Ang kanyang kapatid naman na si Sid Lucero ay nanalo rin ng acting award para sa ginampanan nitong gay role sa indie film na Muli.
Ang uncle naman niyang si Michael de Mesa ay kilala sa mahusay nitong pagganap bilang bading sa mga pelikulang Kaya Kong Abutin ang Langit, Una Kang Naging Akin, Dubai, at sa TV sitcom nito noon with Alma Moreno na It’s a Deal.
Kaya naman pressured si Gabby dahil alam niyang puwede siyang maikumpara sa mahuhusay na gay performance ng kanyang ama, kapatid at tito.
“I always give my best. Lalo na noong ibigay nila sa akin ang role na ito.
“Nasubukan ko nang mag-gay role sa isang episode ng Magpakailanman. ‘Dun yata nila nakita na kaya na ang ganitong klaseng pagganap.
“I’ve watched how the men in my family handled gay roles. Tapos sila Tito Pip (Tirso Cruz III) and Tito Bembol (Roco), inobserbahan ko rin ang pagganap nila bilang mga bading sa mga ginawa nilang teleserye.
“Pero dito sa Dading, I gave my own gay character na inspired from the many gay characters na napanood ko na.
“It’s funny, crazy and at the same time, dramatic. May puso itong Dading para sa bawat miyembro ng pamilya,†pagtatapos pa ni Gabby Eigenmann.
Bumenta kasi noon, Gina masaya sa pagdirek ng remake ng Yagit
Si Gina Alajar ang napili para magdirek sa pagbabalik ng ‘80s drama series na Yagit. Huling dinirek ni Gina ay ang top-rating na Villa Quintana.
Natuwa ang award-winning actress dahil alam niyang malakas ang Yagit noong namamayagpag pa ito sa telebisyon. Ginawa itong pelikula ng Viva Films noong 1984 titled Mga Batang Yagit.
Nakipag-meeting na si Direk Gina sa creator ng Yagit na sina Eddie Ilarde at Jose Miranda Cruz. On-going ang nationwide audition para sa mga bata na magiging bida sa Yagit.
May scheduled auditions sa SM Iloilo (June 27); SM Bacoor (June 27); SM Cebu (June 28); Magic Mall Urdaneta (June 29); and GMA Network Studio 6 (June 29).
Applicants should bring an authenticated NSO copy and a photocopy of their birth certificate, photocopy of two valid IDs, one whole body picture (3R), and one close-up picture (3R).
Ang kasama sa cast ng Yagit ay sina Yasmien Kurdi, James Blanco, LJ Reyes, Kevin Santos, Renz Fernandez, Wowie de Guzman, Raquel Villavicencio, Rich Asuncion, Joanna Marie Tan, Maricris Garcia, Chariz Solomon, Buboy Villar, Gene Padilla, and Frank Magalona.
Pero matagal pa ang gamutan, Tracy Morgan ligtas na matapos maaksidente
Bumuti na ang kalagayan ng naaksidenteng Hollywood comedian na si Tracy Morgan.
Wala na ito sa critical condition at ililipat na siya sa isang physical rehab center ayon sa kanyang rep.
Dalawang linggong nasa ICU si Morgan dahil sa grabeng aksidente na kanyang natamo pagkatapos na mabangga ng isang Walmart delivery truck ang kanyang sinasakyang limo bus sa may New Jersey Turnpike.
Nabali ang ilang buto ni Morgan at muntik nang ma-amputate ang kanyang isang binti. Pero nagawan naman ng paraan para hindi maputol ang kanyang binti.
Nasawi ang isang kaibigan ni Morgan sa naturang aksidente.
Ayon pa sa rep ni Morgan ay ita-transfer ang aktor sa Robert Wood Johnson University Hospital at itutuloy na siya sa isang undisclosed physical rehab center.
Nagpakita ng strong signs of improvement ni Morgan pero mahaba pang gamutan ang mangyayari kapag nagsimula na ito sa kanyang physical rehab.
- Latest