MANILA, Philippines - Isang obrang pampelikula ang alay sa mga manonood ng ‘Movie Queen’ ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo sa pamamagitan ng pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan na Sana Bukas pa ang Kahapon na ipalalabas ngayong Lunes (Hunyo 16).
“Promise namin sa TV viewers na bibigyan namin sila ng isang de-kalidad na movie experience na kakapitan nila gabi-gabi,†ani Bea sa panayam niya kamakailan sa MOR 101.9 For Life!
Dagdag pa ng Kapamilya actress na huling napanood sa telebisyon noong 2012 sa seryeng A Beautiful Affair, sabik na sabik na siyang makabalik muli sa paggawa ng teleserye sa primetime. Aniya, “Ang tagal ko na ring hindi gumawa ng ganitong klaseng palabas. Pakiramdam ko parang gumagawa ako ng isang epic love soap opera.â€
Sa kwento ng Sana Bukas pa ang Kahapon, bibigyang-buhay ni Bea ang mga karakter ng dalawang magkaibang babae na pag-iisahin ng kanilang laban para sa katarungan—si Emmanuelle para sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, at si Rose para naman sa isang krimen na hindi niya ginawa.
Sa ilalim ng direksyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas pa ang Kahapon ay binubuo ng award-winning actors na sina Paulo Avelino, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maricar Reyes, at Albert Martinez; at ng mga beteranong artista na sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Susan Roces para sa kanilang natatanging pagganap.
Kasama din sa teleserye ang mga Kapamilya child star na sina Miguel Vergara at Ben Isaac; at sina Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Magundayao, at Michelle Vito. Tampok din sina Bembol Rocco, Chinggoy Alonzo, Christian Vasquez, at Lara Quigaman na mayroong espesyal na partisipasyon.