Bimby may super powers!

MANILA, Philippines - Nag-iba na kaagad ang mood ng Queen of All Media matapos nitong aminin sa publiko na she’s still healing a broken heart, matapos na maudlot ang “pag-iibigan” nila ni QC Mayor Herbert Bautista. Matatandaang noong Martes, ay pina-pack up niya ang taping niya at sinabing hindi siya okay.

Balik-trabaho na rin si Kris at sa taped episode ng Kris TV kung saan nag-celebrate si Josh ng kanyang 19th birthday sa Boracay ay naikuwento ni Kris ang tungkol sa sequel ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin kung saan makakasama ni Vice Ganda ang kanyang anak na si Bimby. Ang role ng bagets daw dito ay isang boy na may super powers.

“Parang kailangan siyang i-protect ni Vice. Parang shini-shield siya kasi marami ang gustong pumatay sa kanya dahil mayroon siyang super powers,” kuwento ni Kris.

Mag-start na raw ng shooting ito next month.

“Parang gusto nila na maka-two o three weeks bago siya bumalik ng school para hindi stressful,” pahayag pa ni Kris.

                                                               

 

Show comments