^

Pang Movies

Marian, ‘di uuwi hangga’t ‘di perpektoang dance rehearsal

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sobrang excited ni Marian Rivera dahil natupad ang pangarap nitong magkaroon ng dance show titled Marian.

Inamin nito na wala siyang dance lessons. Likas na sa kanya ang kahusayan sa pagsasayaw.

‘‘Bata pa ako mahilig na akong sumayaw. Nasa dugo namin ang pagsasayaw dahil magaling sumayaw ang aking tatay at nanay. Three to four costumes ang gagamitin ko sa iba’t ibang dance number,’’ anang primetime queen.

Idinagdag pa ni Marian na perfectionist ito at hindi uuwi ng bahay hangga’t ‘di napi-perfect ang dance rehearsal. Kahit yata sa pagtulog ay iniisip pa rin nito ang mga dance steps.

Sa pilot episode ay guest niya ang dalawang dancing queen na sina Gov. Vilma Santos at Maricel Soriano.

‘‘Sarap ng pakiramdam ko dahil makakasama ko sila sa pagsayaw,’’ dagdag pa nito.

Siyempre hindi mawawala si Dingdong Dantes sa mga guest niya dahil magaling ding dancer ang nobyo. Dati itong miyembro ng Abztract Dancers.

Magiging guest ito sa kanyang kaarawan sa Agosto at baka magsayaw sila ng dirty dancing.

Magsisimula ang Marian sa June 21 pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.

Direk Louie, hanga kay Marian

Nakausap namin ang director ng Marian na si Louie Ignacio. Hangang-hanga siya kay Marian Rivera dahil lahat ng negatibong isyu tungkol sa kanya ay biglang nawala.

‘‘Ang bait-bait niya, marunong sumunod sa director’s instruction, ang galing-galing pang sumayaw, walang reklamo at napaka-professional pa,’’ sey pa ni Direk Louie.

Magsa-suggest din si Marian ng mga guests na malalapit sa kanyang puso na magagaling ding sumayaw.

Pinagsabay ang mag-best friend

Tiyak na maraming makaka-relate sa episode ng Love Hotline hosted by Jean Garcia dahil tinuhog ng babae na si Tessa ang boyfriend niyang si Daniel at ang best friend nitong si Jonathan. Nalilito ang dalaga dahil pareho niyang mahal ang dalawa. Kung si Daniel ang kanyang ‘‘love of her life’’ si Jonathan ang naman ang ‘‘man of her dreams’’. Paano kaya malulutas ang problema sa tulong ni Jean Garcia at love expert na si May Soriano? Abangan ngayong Biyernes June 13, ganap na 4:15 ng hapon.

 

vuukle comment

ABZTRACT DANCERS

BIYERNES JUNE

DADDY KO

DAHIL

DINGDONG DANTES

DIREK LOUIE

JEAN GARCIA

MARIAN

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with