^

Pang Movies

Alessandra tumotoma habang nasa taping

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nalungkot si Alessandra de Rossi dahil first time niyang walang entry sa Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon. Naninibago at nami-miss ng aktres na may ginagawa siyang indie film para nga sa Cinemalaya, kaya panay ang urirat niya kung may nagtatanong o naghahanap ba sa kanya. 

Consistent na kasama siyang napapanood sa mga magaganda at kakaibang pelikula na ipinalalabas sa Cinemalaya, pero this time ay naisnab ang beauty niya kaya lungkut-lungkutan ang mahusay na aktres.

Iniisip na lang niya ay baka hindi rin niya maisi­singit kung sakaling may entry siya  dahil sa hectic niyang schedule. Meron kasi siyang Basta Everyday Happy at Dalawang Mrs. Real at last week ay nilalagnat na siya habang naghihintay sa GMA  Network para sa promotion niya ng serye nila ni Maricel Soriano sa Mastershowman ni Kuya Germs.

Meron naman siyang natapos na indie film na may title na Mauban sa direksyon ni Lem Lorca na ang role niya ay isang lasengga na first time niyang gawin sa isang movie.

Totoong lambanog pa ang nilaklak ni Alex, kaya lasing siya sa habang ginagawa ng kanyang  mga eksena. Umabot ng 10 days ang shooting nila sa Quezon.

Buboy namo-mroblema sa shooting ng Cinemalaya entry

Kabaligtaran naman ang kaso ni Buboy Villar na may movie entry  sa Cinemalaya na pinamagatang Children’s Show pero nahinto ang shooting nila since last March. Mula noon panay naman ang follow up ng nanay ni Buboy sa production people ng Children’s Show pero wala silang mabigay na schedule ng shooting.

Ngayon lang siya inaaligagang tapusin ang movie niya, kaso hindi naman maisingit dahil may dalawang tinanggap na indie film din si Buboy plus may pasok na ito sa eskuwela kung saan 4th year high school na ang bagets.

Pero positibo si Buboy na magagawan ng paraan ang kanyang Cinemalaya entry dahil ayaw niyang mawala ito.

Ang iba nga naman ay nagkakandarapa para lang makasali sa  Cinemalaya  kaya nanghihinayang si Buboy dahil siya pa nga ang bida sa movie.

 

vuukle comment

BASTA EVERYDAY HAPPY

BUBOY

BUBOY VILLAR

CINEMALAYA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

KUYA GERMS

LEM LORCA

MARICEL SORIANO

MERON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with