P-Noy takot mapulaan sa mga idedeklarang National Artist
Tuluy-tuloy ang panawagan nila sa presidente, na idinadaan pa nila sa media, na ideklara na ang mga inirekomendang national artists ng NCCA. Matagal na talagang delayed ang deklarasyon na iyan, pero iyan ay President’s prerogative. Hindi nangangahulugan na basta pinili ng NCCA ay kailangang ideklara ng presidente. Nagsabi na ang Supreme Court, hindi maaaring dagdagan, at hindi rin maaaring bawasan ng presidente ang recommendation, dahil sa nangyari ngang abuso noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, pero hindi sinabi ng Korte Suprema na obligado ang presidente na ideklara ang kanilang rekomendasyon.
Iyong pagbabawal sa presidente na magÂdagÂdag at magbawas, palagay namin iyon ang maÂhirap. May isa lang diyan na sa tingin ng presidente ay hindi dapat, hindi na niya idedeklaÂrang lahat. Hindi mo masisisi kung nag-iingat ang presidente. Iyon nga lang One Direction na nakunan lang ng video na humihitit ng marijuana sa Peru gustong ipa-ban dito sa Pilipinas eh. Concert lang iyon. Eh kung may national artist na ganoon? Ano ang sasabihin ng mga kritiko ng presidente?
Siguro naman iniiwasan lang ng presidente na pagtawanan siya at lait-laitin pagdating ng araw dahil sa isang maling desisyon, at ang anumang maling desisyon sa mga bagay na iyan ay hindi na niya mababawi, o ng sino mang papalit sa kanya. Kaya tama lang na maging maingat siya.
Krista Miller pinangunahan ang DOJ
Nagulat kami sa mga huling naglabasang sagot ni Krista Miller, kung saan sinasabi niÂyang hindi siya isang escort girl kundi nagbebenta siya ng mga condominium at hindi ng kanyang katawan. Nakakapagtaka kung baÂkit ganoon ang kanyang sinasabi. May nagsabi ba na siya ay isang escort girl o nagbebenta ng kanyang katawan?
In fact, hindi naman siya ang kiÂÂnuÂÂkuÂwestiyon, o maging ang dahilan ng pagdalaw niya sa convicted drug lord na si Ricardo Camata habang iyon ay naka-confine sa Metropolitan Hospital. Ang kinukuwestiyon ay kung papaanong nadala si Camata sa ospital nang ganoon na lamang na walang pahintulot ang DOJ. Kinukuwestiyon din ang paglabas-pasok ni Camata sa kanyang hospital room at ang napakaluwag na sa kanyang mga bisita, kagaya nga ni Miller na hindi man lang nakitang ininspeksiyon ang dala ng mga jail guards na naka-assign doon. SOP ang security inspection kahit na saan, lalo na nga at dumadalaw ka sa isang preso.
At iyon ang kinukuwestiyon legally, at nagkataon lang na siya ang bisita ni Camata. Ang pagtatanong ay hindi sa kanya kung ‘di sa mga jail guards.
Kinukuwestiyon din ang hepe ng NBP na puwede lang lumabas sa hospital ang sinumang may malalang sakit.
Kaya kataka-takang maagap ang paliwanag ni Krista. Agad-agad siyang nagpaliwanag ay hindi escort girl.
Hindi rin namin maintindihan kung may malisya nga ba, o sinabi bang may kakaibang nangyari nang maiwan siya ng ilang minuto lang naman na kasama si Camata. Ang sinasabi lang, bakit pinababayaang maiwan nang nag-iisa ang bisita kasama ang bilanggo.
Naging defensive si Miller sa kanyang pagtanggi na escort siya.
Ngayon maniniwala ba tayong escort girl siya o hindi?
- Latest