Mabait na apo itong si Rafa Siguion-Reyna dahil isa nga siya sa nag-aalaga sa kanyang lola na si Armida Siguion-Reyna.
Inamin ni Rafa na may sakit nang Alzheimer’s Disease ang kanyang Lola Midz (Armida), kaya lahat daw sila ay nakatira na sa Forbes Park para mabantayan daw nila ito.
Kaya si Rafa ay pinagpaliban muna ang plano na kumuha ng sarili niyang place dahil mas gusto muna niyang nasa tabi siya ng kanyang may sakit na lola.
“Lola’s boy kasi ako. It’s just so sad to see na she’s sick. I can remember na sobra siyang active noon. She would sing a lot sa bahay. ‘Yun ang nami-miss ko sa mga ginagawa niya noon,†sey pa ni Rafa.
Pumirma na si Rafa sa GMA at unang teleserye niya ay ang Niño. Nagkaroon na rin ng ibang modeling assignment si Rafa dahil na rin sa magandang height niya.
Lumabas siya sa stage musical na Grease si Rafa last year at marami ang humanga sa kanyang husay sa pagsayaw.
Ngayon ay voice lessons naman ang pinagkakaabalahan niya dahil inamin niyang sablay ang boses niya sa pagkanta.
Nagsu-shoot si Rafa ng kanyang first indie film titled Hari Ng Tondo at ang kanyang amang si Carlitos Siguion-Reyna ang director nito for Cinemalaya.
Winwyn mas kampi kay Enzo
Inamin ni Winwyn Marquez na hindi naman daw siya gano’n ka-close kay Louise delos Reyes kaya wala siyang maikukuwento sa mga kaganapan sa set ng Kambal Sirena.
Mas close raw si Wyn sa ex-boyfriend ni Louise na si Enzo Pineda.
“With Louise kasi, hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging close talaga. Kahit na noong time pa ng One True Love, hindi rin kami talaga naging super close.
“Si Aljur kasi, ngayon ko lang siya nakatrabaho at hindi pa kami madalas nagkakausap except kapag may eksena kami.â€
Dumamba kay Brad Pitt banned na sa lahat ng red carpet events ng Hollywood
Inaresto ang lalaking dumamba sa Hollywood actor na si Brad Pitt sa premiere night ng Maleficent kung saan bida ang partner niyang si Angelina Jolie.
Hinuli ng LAPD si Vitalii Sediuk at banned na nga siya sa anumang events sa Hollywood na may mga high-profile celebrities. Hindi siya allowed sa anumang red carpet events.
Tinalon ni Sediuk ang barricade sa red carpet premiere ng Maleficent sa El Capitan Theatre at lumapit agad ito kay Brad Pitt. Bago pa man may ibang gawin si Sediuk ay inaresto na siya agad ng security.
Hindi raw ito ang unang pagkakataon na ginawa ni Sediuk ang paglapit sa celebrity. Kung matatandaan ay siya ang sinampal ni Will Smith sa red carpet ng Grammy Awards nang akmang halikan niya ang aktor.
Muntik din niyang ma-harass si Leonardo DiCaprio sa isang ring red carpet premiere.