^

Pang Movies

Katarayan ni Maricel hindi nagamit kay Dingdong

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ayon kay Dingdong Dantes, pinag-aagawan nina Maricel Soriano at Lovi Poe sa Ang Dalawang Mrs. Real ay na-starstruck siya sa Diamond Star. Ito ang unang pagtatambal nila sa telebisyon.

Nakaramdam din ng takot nung una ang Primetime King dahil kilalang mataray ang aktres. Natakot din ito dahil may ilang eksena na kailangang sigawan niya ito dahil nag-aaway sila.

Na-realize ni Dingdong later na hindi pala mataray si Marya, na mabait ito at marunong makisama sa lahat.

First time din nilang magkasama ni Lovi Poe sa telebisyon. Nagkasama na sila sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles. Sinabi ni Dingdong na masarap katrabaho si Lovi. Maganda ang kanilang chemistry at nagkaroon agad ng rapport sa isa’t isa.

May-ari ng mansion nina Jennylyn nagpa-barbeque party

Magtatapos na ngayong araw ang Rhodora X at touched ang cast nang bigyan sila ng barbecue party ng may-ari ng mansion na sina Mrs. & Mrs. Smith. Tiyak na mami-miss nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Mark Anthony Fernandez ang isa’t isa dahil para silang isang pamilya.

Para kay Jennylyn naiibang experience ang gumanap sa mahirap na karakter na may Dissociative Identity Disorder (DID) bilang si Rhodora, Roxanne at Rowena. Ayon naman kay Mark Herras ito ang pinaka-challenging role na ginawa niya bilang si Joaquin Vasquez.

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

DIAMOND STAR

DISSOCIATIVE IDENTITY DISORDER

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOAQUIN VASQUEZ

LOVI POE

MARICEL SORIANO

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with