Ruffa parating binubuntutan ng lucky guy na French-Arab

French Arab pala ang lahi ng manliligaw ni Ruffa Gutierrez. Siya na kaya ang lucky guy na mamahalin ni Ruffa na nag-dialogue noon na handa nang makipagrelasyon ngayong 2014?

Mukhang boto naman sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa businessman na manliligaw ni Ruffa dahil palagi itong kasama sa mga mahahalagang okasyon sa buhay niya.

Ang French Arab mhin ang ka-join ni Ruffa at ng mga anak nito nang magbaksyon sila sa Europe. Na-sight din ang mhin sa special screening ng It Takes Gutz to be a Gutierrez noong Lunes sa isang mall sa Makati City.

Walang ibinigay na impormasyon si Ruffa tungkol sa maskuladong mhin. Hindi nga niya sinabi ang age ng mhin sa kabila ng pangungulit sa kanya ng mga reporter na umapir sa pocket presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Maricel ang daming kuwento, sinasagot ang isyu kahit hindi tinatanong

Obvious na na-miss ni Maricel Soriano ang pagdalo sa mga presscon at pakikipagkuwentuhan sa mga reporter.

Ang sabi ng entertainment press, enjoy na enjoy si Maricel sa pakikipagkuwentuhan sa kanila sa presscon ng Ang Dalawang Mrs. Real noong Lunes.

Ang dami-dami raw kuwento ni Maricel dahil pati ang mga isyu na hindi itinatanong sa kanya, sinagot niya.

Excited na excited na si Maricel sa nalalapit na pagsisimula ng Ang Dalawang Mrs. Real dahil matagal-tagal na rin mula nang magkaroon siya ng drama series. Wala nang nagtanong kay Maricel tungkol sa naudlot na show niya sa ibang network dahil luma na ang isyu.

Shampoo ni Marian, maganda sa buhok

In fairness, maganda sa buhok ang Hana shampoo na ini-endorso ni Marian Rivera dahil na-try ko na ito.

Hindi ako invited sa press launch ng Hana pero pinadalhan ako ng loot bag na naglalaman ng mga iba’t ibang klase ng Hana shampoo.

Pagkatapos gamitin ang shampoo, napansin ko na lumambot at nagkaroon ng body ang buhok ko. Tama ang desisyon ni Marian na i-endorse ang Hana shampoo.

Anak na inililihim nina Richard at Sarah ilalabas

Masasagot na ang tanong kung may inililihim na anak sina Richard Gutierrez at Sarah  Lahbati.

Mismong si Richard ang nagsabi na malalaman ang kasagutan sa episodes ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Panahon na raw para sabihin niya ang the truth and nothing but the truth. at perfect venue ang reality show nila ng kanyang pamilya.

Sure ako na marami ang mag-aabang sa It Takes Gutz to be a Gutierrez, lalo na ang mga pumupusta at naniniwala na may anak na nga sina Richard at Sarah.

Sandali na lamang ang ipaghihintay ng mga nasasabik na malaman ang sagot dahil magsisimula na sa June 1 ang reality show ng mga Gutierrez.

 

Show comments