Alwyn feeling tunay na boksingero

Nagpapasalamat si Alwyn Uytingco sa TV5 dahil umingay ang kanyang career ngayon at tuwang-tuwa ito dahil nakikita siya sa malaking billboard bilang Beki Boxer.

Feeling ni Alwyn ay isa siyang tunay na boksingero dahil sa hirap na tinitiis nito sa suntukan kung saan limang oras siyang nagti-training bilang si Rocky Pociano.

“Kahit sa praktis ay hirap din ako lalo na kay Bay Elorde  dahil mabilis siya kaya ‘di maiwasan na natatamaan ako ng kanyang mga suntok,” say ng aktor.

Paulit-ulit ang kanilang praktis para maging katotohanan ang karakter niya bilang boksingero. Kaya kailangan niyang magpahinga kapag walang taping kung saan bumabawi siya at natutulog ng siyam na oras.

Kahit matapos na ang Beki Boxer ay kukuha siya ng mixed martial arts, muay thai, at kumbinasyong wrestling. Naimpluwensyahan siya ng karakter na ginampanan niya bilang boxer.

“Malay mo, kapag natapos ko ang martial arts ay baka maging action star na ako someday na pangarap ko,” dagdag pa nito.

Bukod sa training ay nagda-diet pa rin ito pero i­naming hindi na gaanong nakakapag-workout dahil busy sa taping.

Sa kabilang banda, isang malaking karangalan para kay Alwyn na makatrabaho niya ang trainer at bestfriend ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez.

Muffin ni Jennica patok sa mga pusa

Hindi aktibo ngayon sa showbiz si Jennica Garcia, ang nobya ni Alwyn Uytingco. Pero okey lang pala ito dahil may negosyong Vanilla Whisker na nagki-cater ng mga pagkain sa tao at pusa. Masasarap na muffins ang ginagawa nito at puwedeng umorder online.

Nag-aral mag-bake si Jennica at minsan nagsisilbing driver si Alwyn kapag may order.

Patok ang negosyo ni Jennica at hindi lang mga tao kundi mga pusa rin ang nag-i-enjoy sa pagkain ng muffins.

Buong ningning na sinabi ni Alwyn na apat na taon na silang magkarelasyon ng aktres at umaasa ito na sana’y sila na ang magkatuluyan balang araw.

 

Show comments