Biglang natutong kumanta nang live si Jennica Garcia sa kanyang mga out of town show. Dati raw ay takot siyang kumanta kaya naglip-sync lang siya kapag nagso-show. Nahamon siguro ang bagets dahil hindi na siya ni-renew ng GMA7.
Natauhan siguro si Jennica kaya ngayon lang daw niya siniÂseryoso ang kanyang pag-aartista na panay ang pag-explore ng kanyang mga talent na puwede niya pang i-develop.
Katuwiran ng kampo ni Jennica, isip bata pa raw kasi siya noon at ngayon lang nagkakaroon ng lakas ng loob na sumubok sa iba pa niyang puwedeng gawin tulad nga ng live singing.
Samantala, wala pa ring alam si Jennica kung mapupunta ba siya sa ABS-CBN kahit nakitang nag-guest na ito sa Kapamilya Network. Hindi pa rin siya nakapagdedesisyon na sundan ang nobyo niya sa TV5 hanggang umeere pa ang Carmela sa GMA 7 kung saan siya kasama sa cast ng naturang palabas.
Arnell nag-invest sa Aegis
‘Bumili’ pala si Arnell Ignacio ng isang buong show ng Rak of Aegis na ipalalabas sa July 12 sa PETA. Kaya kinakarir niya ang pagpo-promote at pagbebenta ng ticket ng musical production.
Marami kasi ang nag-request na ipalabas muli ang Rak of Aegis at isa si Arnell ang nagkainteres na mag-invest dahil patok at maganda ang reviews sa palabas na base sa mga kanta ng legendary pop-rock na Aegis. Pero siyempre may pressure rin sa komedyante na wish niyang mapuno ang slot niya ng Rak of Aegis sa darating na July 12.
Pangtanggal stress naman kay Arnell ang bago niyang show sa TV5 na Trenderas na isang musical-drama series na tiyak na mapapakanta rin ang actor/comedian.
Super excited si Arnell dahil sa kanyang role bilang tatay ng dating child star na ngayon ay recording artist na si Isabelle De Leon.
Si Isabelle ang bida sa bagong musical-drama ng Kapatid Network. Kasama pa sa cast sina Nora Aunor, Dingdong Avanzado, Sheryl Cruz, at Tina Paner sa direksyon nina Monti Parungao at John Red.
Samantala kuwento ni Arnell na kaka-debut lang ng anak nito at niregaluhan niya ito ng bagong Hyundai car. Nagbiro ang komedyate na hindi niya puwedeng regaluhan ng Porsche car ang anak dahil baka raw matulad lang ito sa masama niyang experience. Saka 18 years old lang naman ang anak niya na second year college sa kursong Science management sa Asia Pacific College.