^

Pang Movies

Cristine hindi mabilang ang mga naghahabol na lalaki

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinangaan ni Cristine Reyes ang lakas ng loob ng basketbolistang si Kevin Alas na varsity player dati ng Letran College na gumawa ng paraan upang makilala siya nang personal. Naging daan si Vice Ganda na maipakilala kay Kevin si Cristine sa isang party na dinaluhan nilang tatlo.

 â€œMalakas ang loob niya at bilib ako sa kanya doon!” rason ni Cristine matapos siyang i-launch ng Ever Bilena sa EB Advance products nila.

Dalawang beses nagkitang muli sina Cristine at Kevin after ng meeting ‘yon. Ayaw nga lang niyang ipagsabi na nasa puntong nanliligaw na sa kanya ang basketbolista.

“Kasi ‘pag nanliligaw, nandoon ‘yung effort like magbigay ng flowers di ba? Wala, wala pa sa stage na ‘yon,” rason niya.

Mas binibigyang priority kasi ng seksing aktres ang dalawang pelikulang tinatapos pati na ang pag­hihintay sa teleserye na gagawin sa ABS-CBN. Mas nadarama pa niya ang excitement sa muling pagbubuntis ng kapatid na si Ara Mina.

“Sana magtuluy-tuloy na. Actually, sobrang ingat na. Pati mommy ko, hindi na siya pinalalabas ng kahit dinner lang. ‘Huwag na, magpahinga ka na lang diyan!’ Eh, balak pa sana naming mag-Japan! So kami na lang siguro ng mommy ko. Sana kasama ang Ate ko,” pahayag ni Cristine sa kalagayan ng Ate Ara niya.

Wala ba siyang naririnig na balak ng Ate niya at si Mayor (Patrick) na pakasal?

 â€œOkey naman sila. Para sa akin, huwag natin silang i-pressure! Kasi hindi naman porke’t...Kasi hindi naman doon ang basehan ng pagmamahalan ng tao eh, ‘di ba? Mas sweet nga kung lolo at lola na sila saka sila pakakasal. Para sa akin, hindi ‘yon ang basehan,” paliwanag ni Crsitine.

Super excited si Cristine sa lalabas niyang pamangkin na siguradong guwapo o maganda.

 â€œGusto ko boy! Kasi ang dami nang girls na pamangkin ko eh! Ha! Ha! Ha! Kulang ang boys!” sey niya.

Eh, kung siya ang magkakaanak, boy or girl?

 â€œBakit anak agad? Wala nga akong boyfriend! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Cristine.

Teka, ilan ba ang manliligaw niya ngayon?

 â€œMarami! Kung bibilangin ko, hindi ko mabibilang! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Cristine. “Hindi! Joke lang!” dugtong niya.

If ever bang maging boyfriend niya si Kevin, first time niyang magkaroon ng player na lover?

 â€œHindi ko masabi! Gusto ko muna...Ayoko munang pag-isipan ‘yon! If ever, siya ang first time pero wala pa naman!” sagot ni Cristine.

Eh, ano ‘yung naglalabasan sa social media na may kasama siyang lalaki? Boyfriend niya ba ‘yon?

 â€œHuwag na ninyong alamin kung sino ‘yon. Well, I am beautiful! I can’t help it! Ha! Ha! Ha!” biro pa ni Cristine.

Aktres natuwa nang makawala sa BF na walang plano sa buhay

Humalakhak nang sobra-sobra ang isang aktres nang batiin siya nang ibang kaibigan ng, “Hello not Mrs. ___________ (apelyido ng dating boyfriend)!” “Ay, type ko ‘yan! Ha! Ha! Ha!” tugon naman daw ng aktres.

Desidido na raw kasi ang aktres na magpatali sa kinalasan na boyfriend. Eh, kaso, kapag tinatanong daw niya ang boyfriend tungkol sa kasal, wala itong matinong sagot na nakukuha habang ang babae ay todo ang ipon para sa kinabukasan niya pati na sa magiging anak niya.

Galing kasi sa broken family ang aktres. Nakatatak sa utak niya ‘yon kaya nang mabigyan ng break sa showbiz, puntirya niya ang magandang kinabuka­san niya pati na pamilya niya. Kapag may trabahong nakakansela, labis niyang pinanghihinayangan ‘yung nawalang kita, huh!

Pero ngayong malaya na ang aktres, malaya na rin siyang makapili ng lalaking bibigyan ng plano ang pag-aasawa at hindi sa trabaho lang umaasa ng pagkakakitaan!

vuukle comment

AKTRES

ARA MINA

ATE ARA

CRISTINE

KASI

KEVIN

NIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with