Perfect si AiAi de Alas na maging endorser ni Dr. Vicki Belo para sa tinatawag niyang Pussykip o femmelift. Siya lang ang tiyak na may lakas ng loob na ipangalandakan ang ganitong proseso.
Tiyak na kering-kering ipagsigawan ng komedÂyante ang promo slogan ng Pussykip ng Belo na “I swear…It’s tighter.â€
Sa karisma, kakuwelahan, at kapilyahan ni AiAi, bagay na bagay itong maging modelo ng Pussykip na tiyak na aagaw sa atensyon ng mga kababaihang gusto uling magpasikip. Ngayon pa lang ay marami na ang nagtatanong kung magkano ang ganitong proseso na inu-offer ng Belo Medical Group.
Samantala, wala nang atrasan ang plano ni AiAi sa pulitika, na in fairness sa komedyante kahit busy sa kanyang mga showbiz commitment, ay pilit na tinatapos ang short course sa University of the Philippines (UP) para sa paghahanda niya sa pagpasok sa 2016 elections.
Alessandra ilalabas na ang kakulitan
Wish granted ang hiling ni Alessandra de Rossi na bigyan siya ng bagong project sa GMA7 na kakaiba naman sa kanyang ginagawang pagkokontrabida sa mga teleserye niya sa network.
At least daw “out of the box†ang bago niyang trabaho sa network dahil isa siya sa magiging host ng programang Basta Every Day Happy na magsisimula na ngayong Lunes, 11:00 a.m. Hindi pagsusungit o pananampal ang kanyang mga eksena kundi mangungulit siya tuwing umaga kasama ang kanyang mga co-host na sina Donita Rose, Gladys Reyes, at Chef Boy Logro.
Hindi umubra ang nang-ookray kay Alex sa kanyang Instagram (IG) account na epekto nang bago niyang show. Marami raw siyang baon na kakulitan sa katawan at sa programa lang niya isi-share. Magaan lang daw ang show at puro good vibes ang hatid nila sa pang-umagang programa ng Kapuso Network.
Samantala mahilig din si Alex magpinta tulad ng kaibigan niyang si Heart Evangelista na pormal nang ipinakita ang kanyang mga gawa sa publiko. Kelan kaya maglalabas si Alex ng mga pinaghirapan niyang artworks?
Lovi inggit na inggit kina Heart at Alessandra
Trying hard naman si Lovi Poe kahit mag-sketch dahil sa kanilang tatlong ‘magsi-sisters,’ - Heart at Alex - bukod tanging siya lang ang hindi marunong magpinta.
Pero nagsisimula na siyang sumubok mag-drawing. Idagdag pa si Solenn Heussaff na magaling ding artist, kaya naman inspired din siyang gumuhit at baka raw may madiskubre siyang talent na puwedeng ma-develop dahil inggit na inggit nga siya sa mga kamay ng mga kaibigan na sina Heart at Alessandra.