Hindi pinayagang magpiyansa, Deniece balik-selda!
Mananatili si Deniece Cornejo sa kulungan sa Camp Crame dahil hindi pa naglalabas ng commitment order si Judge Paz Esperanza Cortes ng Branch 271 ng Taguig Metropolitan Trial court.
Ibinalik kahapon si Deniece sa Camp Crame matapos pumunta sa Taguig court at nag-file ng petition para makapag-post siya ng bail sa kanyang kasong serious illegal detention.
Ang sabi ng mga reporter na naka-sight kay Deniece sa loob ng kulungan, walang special treatment sa kanya tulad ng pangako ng PNP. Mga babae ang kasama ni Deniece sa loob ng selda.
Vhong tikom ang bibig sa pre-trial
Nabigo ang mga reporter na nag-abang kahapon sa pagdating ni Vhong Navarro sa korte ng Taguig City.
Hindi kasi nagbigay ng statement si Vhong tungkol sa pre-trial hearing na dinaluhan niya.
Hindi tuloy nalaman ng mga reporter ang naging damdamin ni Vhong nang makasama niya sa sala ni Judge Cortes sina Cedric Lee at Zimmer Raz, ang dalawa sa limang akusado sa pang-uumbag sa kanya noong January 22.
Halikan nina Carla at Tom bukang-buka ang bibig
Naloka sa kissing scene nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang mga nanood ng special screening ng So It’s You noong Lunes.
Bigay na bigay raw si Tom sa paghalik kay Carla dahil kuntodo nakabuka ang kanyang bibig.
Mabuti na lang, hiwalay na sina Carla at Geoff Eigenmann or else, tiyak na may pag-aawayan ang dalawa.
Ang duda ng fans, hiwalay na sina Geoff at Carla nang kunan ang kissing scene nito kay Tom kaya bigay na bigay rin ang dalaga sa pakikipaghalikan.
May mga haka-haka pala na posibleng hindi totoo na hiwalay na si Tom sa kanyang girlfriend na si K-La Rivera.
Marami ang nakapansin na nawawala si Tom sa sarili kapag tinatanong siya tungkol sa break up nila ni K-La. Base sa inaasal ni Tom, parang hindi totoo na break na sila ng kanyang dyowa pero ayaw ng fans na mag-isip na gimik para sa So It’s You ang tsismis na lumulutang.
Maganda ang reviews at positive ang mga feedback sa So It’s You na Graded A ng Cinema Evaluation Board.
Gusto ko na maging blockbuster ang So It’s You alang-alang sa local movie industry at movie workers.
Kapag pinilahan sa takilya ang So It’s You, lalong gaganahan si Mother Lily Monteverde na mag-produce ng pelikula at marami ang mabibigÂyan ng trabaho, mula sa artista, direktor, scriptwriter, production staff hanggang sa utility.
Iilan na lamang ang mga film outfit na guÂmagawa ng pelikula kaya tama lang na suportahan natin ang local Pinoy movies.
Martin dream maging lead actor
Kapuso na pala ang young actor na si Martin del Rosario. I-wish natin ng good luck si Martin dahil may karapatan siya na sumikat.
Mahusay umarte si Martin at alam ko ang sinasabi ko dahil nasubaybayan ko ang ilang mga teleserye na starring siya.
Dream ni Martin na maging lead actor at hindi basta character actor kaya nag-ober da bakod siya sa GMA 7. Hoping si Martin na matutupad ang pangarap niya ngayong Kapuso actor na siya.
- Latest