MANILA, Philippines - Maglalakwatsa na naman tungo sa naiibang kultura at lahi ang lakwatserong si Robi Domingo sa kanyang pag-iikot ikot sa Kingdom of Cambodia ngayong Linggo (May 6) sa Matanglawin.
Bibisitahin ni Robi ang isa sa tinaguriang Eight Wonders of the World at lugar na dahilan kung ba’t dinadayo ang Cambodia— ang Angkor Wat.
Ipapamalas niya rin ang ganda ng tinatawag na Mona Lisa ng Southeast Asia.
Sa pamamasyal ni Robi sa Tonle Sap, ang pinakamalaking freshwater lake sa buong mundo, makakakita siya ng Siamese crocodiles at maghahanap pa ng Giant Mekong Catfish.
Mahanap niya kaya ang halimaw sa ilog na ito o baka naman siya ang mahanap nito?