Isa pang nambugbog kay Vhong, nadakip na?!

Nakakaintriga ang balita na hindi ma­tatapos ang 24 Oras, mahuhuli na ang isa sa mga akusado sa serious illegal detention kay Vhong Navarro.

Kung paniniwalaan ang balita na nasagap ko, madadakip ngayon ang suspect na matagal nang tinutugis ng NBI.

Hindi lang malinaw sa akin kung sino kina Deniece Cornejo, Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero ang masusukol ng NBI agents na hindi tumitigil sa paghahanap sa kanila.

Araw rin ng Sabado nang mahuli sina Cedric Lee at Zimmer Raz sa Oras, Eastern Samar noong nakaraang linggo. Eh Saturday uli kahapon at malamang na tukoy nang NBI agents ang kinaroroonan ng suspect(s).

Deniece hindi na makontak si Cedric

May mga hula at haka-haka na baka sumuko na si Deniece Cornejo sa NBI dahil sa report noong Biyernes na nagpahiwatig siya nang pagsuko.

Wala nang choice si Deniece kundi ang sumuko dahil hindi na niya maaasahan si Cedric Lee na may sariling problema. Hindi basta problema, malalaking problema dahil bukod sa mga kaso na isinampa ni Vhong, inireklamo siya ng tax evasion ng BIR.

Mahirap nang magkaroon ng communication sina Deniece at Cedric dahil nakakulong ito sa NBI Headquarters sa Maynila at hindi pinapayagan na gumamit ng cellphone.

On her own na si Deniece. Siya na lang at ang kanyang pamilya ang puwedeng tumulong sa sarili niya. Kung may tumutulong kay Deniece sa pagtatago, hindi rin siya ligtas dahil obstruction of justice ang kaso na isasampa sa kanya ng NBI.

Startalk nakabantay

Nakabantay ang staff ng Startalk sa bagong development sa kaso ni Vhong Navarro.

Waiting ang Startalk staff sa announcement ng NBI kapag nada­kip na ang suspect sa serious illegal detention case dahil tiyak na ilalabas namin ang detalyadong report sa Startalk ngayong hapon.

Naging bahagi ng buhay ni Deniece ang Startalk dahil dito siya nagsalita ng live tungkol sa saloobin niya sa diumano’y pang-aabuso sa kanya ni Vhong.

Dahil sa live guesting ni Deniece, nalaman ng televiewers na inilipat na pala sa araw ng Linggo ang Startalk na dating napapanood tuwing Sabado.

Hanggang ngayon, marami pa rin ang nanonood sa Youtube ng pinag-usapan na Startalk guesting ni Deniece na malabo nang maulit dahil non-bailable ang kaso niya. Kapag nahuli si Deniece, diretso na siya sa kulungan.

Kambal sa PBB confirmed na kapatid ni Chariz

Wondering ang mga reporter kung nagpalit ng cellphone number si Chariz Solomon dahil hindi ito sumasagot sa kanilang mga text message.

Gustong malaman ng mga reporter kung kapatid ni Chariz ang kambal na kasali sa PBB All In ng ABS-CBN.

Ako na ang sasagot sa question ng mga reporter. Confirmed na kapatid ni Chariz ang kambal dahil sa mukha pa lang, hindi puwedeng i-deny na magkakadugo sila.

Saka, umapir na noon sa mga TV show ng GMA 7 ang twin brothers ni Chariz na rumaraket din bilang mga commercial model kaya pamilyar sa televiewers ang kanilang mga mukha.

Si Chariz ang panganay sa magkakapatid at siya ang breadwinner ng pamilya. Si Chariz ang nakagisnan na nanay ng kanyang mga kapatid dahil nagtrabaho at nanirahan sa Japan ang kanilang ina.

 

Show comments