^

Pang Movies

Heart malabo pang maging first lady!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Very vocal si Senator Chiz Escudero tungkol sa feelings niya sa girlfriend na aktres na si Heart Evangelista.

“Wala pa akong naranasan na ganitong pakiramamdam. Lahat naman siguro may pinagdaanan, siyempre mas mataas ‘yung standard at ‘yung antas at ‘yung hinahanap mo. Nakamit naman at naabot ko naman ‘yun ngayon,” pahayag ni Senator Chiz sa programang Tapatan ni Tunying  ni Anthony Taberna last Thursday.

Kinumpirma din ni Senator Chiz ang kanyang annulment noon pang 2012 sa dating asawa na si Christine Elizabeth Flores.

At ngayon nga ay pala­ging itinatanong sa kanila ni Heart kung kailan nga ba ang kasalan.

“May inaayos lang akong kaunti pa na gusot,” sey ni Sen Chiz.

Naitanong din sa kanya kung kamusta naman ang  pakikitungo ng kanyang mga anak sa girlfriend and soon to be wife niyang si Heart.

“Tita Heart ang tawag nila. Magkasundo sila at saka bagama’t nakikita nila nang regular ‘yung mommy nila, iba pa rin ‘yung presensya ng babae sa bahay.”

Samantala, itinanggi  naman ni Sen. Chiz ang plano nitong pagtakbo bilang presidente sa 2016 election at possible ngang si Heart na ang kanyang maging  First Lady.

“Ayaw kong sabayan ‘yung mga nagdeklara na. Mas gusto ko siyempre na maayos ‘yung personal kong buhay bago ‘yung pampubliko kong buhay,” sagot pa ng guwapong Senador.

Naungkat din sa nasabing panayam ni Ka Tunying ang pagiging ulirang ama ng senador. Masayang-masaya raw siya kapag sinasabihan ng mga anak kung gaano siya kamahal ng mga ito.

“Mahirap para sa amin magbitaw ng papuri, lalo na sa mga kamag-anak at malapit sa iyo, pero sinusubukan kong baguhin ‘yun sa mga anak ko,” sambit pa niya patungkol sa kanyang namayapang ama na si Salvador Escudero, na nagpalaki sa kanila ng kanyang dalawa pang kapatid.

                                               

 

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

CHRISTINE ELIZABETH FLORES

FIRST LADY.

HEART EVANGELISTA

KA TUNYING

SALVADOR ESCUDERO

SENATOR CHIZ

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with