^

Pang Movies

Kinalong at niyakap pa! Bimby nakipaglaro kay Spiderman

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umagaw talaga ng eksena si Bimby Yap sa interview ng ina na si Kris Aquino kay Andrew Garfield na bida sa sequel ng The Amazing Spiderman sa Singapore. Napanood namin ang interview sa KrisTV kahapon at sumasali sa usapan ang bagets!

Eh in fairness kay Andrew, walang iritas­yon sa presence ni Bimby habang kinakausap siya ng ina. Kinandong pa nga niya si Bimby with matching picture kaya love na love siya ni Kris!

    Ini-request kasi talaga ni Tetay na isama sa press junket na ‘yun si Bimby, bilang number one fan siya ng Spiderman. Wish granted ang nangyari kaya malaya si Bimby na maglaro, sumali sa interview at mayakap si “Spiderman”!

Tom hiwalay na sa GF, nagpaparamdam na kay Carla

Nag-aalala raw si Carla Abellana sa mga lumalabas na tsismis sa kanila ni Tom Rod­riguez. Feeling niya, baka lumabas siyang malandi sa mata ng tao, eh kahihiwalay pa lang nila ni Geoff Eigenmann, huh!

Pero lingid sa kaalaman ni Carla, may tsismis na hiwalay na si Tom sa girlfriend niyang si K-la Rivera, huh!

No wonder, nung shooting nina Carla at Tom ng So It’s You, dikit nang dikit sa kanya ang aktor. Sobra raw ang concern na ipinakikita ni Tom sa kanya.

Naku baka during that time, may pinagdaraanan din si Tom sa love life kaya malaya siyang lumalandi kay Carla, huh!

Mother Lily makiki-dinner kay Pres. Obama

Naramdaman ni Mother Lily ang importansiya niya sa Aquino family nang padalhan siya ng invitation mula sa Malacañang upang dumalo sa dinner na handog ni President P-Noy para kay U.S. President Obama next week.

Sa Lunes ang dating sa bansa ng U.S. President at isa nga ang dinner sa Malacañang ang gagawin niya.

Eh alam naman sa showbiz ang kontribusyon ni Mother sa magandang career ni Kris Aquino kaya deserving siyang mapabilang sa exclusive guests sa okasyong iyon sa Malacañang.

vuukle comment

AMAZING SPIDERMAN

ANDREW GARFIELD

BIMBY

BIMBY YAP

CARLA

KRIS AQUINO

MALACA

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with