Ibinibentang binata pa guwapong male celeb, may asawa’t dalawang anak na pala!
Bachelor ang benta sa male celebrity na ito na naging produkto ng isang reality competition show.
Ipinapares siya sa iba’t ibang mga starlet at minsan na siyang na-link sa isang aktres na may edad sa kanya.
Pero sa totoo pala ay pamilyado na ang male celebrity na ito at dalawa na ang kanyang anak.
Kuwento ng aming source na nakasabay niya ang male celebrity sa isang skin clinic sa may bandang Alabang. Noong una ay hindi raw niya nakilala ang male celebrity hanggang sa may nakakilala rito ay nagpa-picture na kasama siya.
“Hindi ko namukhaan kasi naka-shades siya tapos simple lang ang porma niya. Nakilala siya ng isang customer noong tanggalin niya ang shades niya.
“Kilala ko naman siya. Hindi pa naman siya nagbibida sa mga teleserye dahil ang parating role niya ay best friend o ‘di kaya kontrabida.
“Pangmodelo talaga siya kasi matangkad at maganda ang katawan niya.â€
Laking gulat na lang ng source namin nang may dalawang bata na lumapit sa male celebrity at tinawag siyang “daddyâ€. Nasa edad na 5 and 6 years old ang dalawang bata at kasama ng mga ito ang misis ng male celebrity.
“Akala ko binata siya. May pamilya na pala siya. Naitago niya ang mga ito kasi wala naman nababalitang may asawa’t anak siya.
“Pero siguro okey lang naman na aminin na niya kasi hindi naman siya nagbibida at hindi naman siya pang-matinee idol.
“Kaya tigilan na nila ang pagbenta sa kanya na binata siya. Ilabas na lang niya ang pamilya niya para wala na siyang tinatago,†pagtatapos pa ng source namin.
Mabenta ang nakaraang musical, Aicelle Santos bibirit uli!
Dahil sa magandang reviews ay magbabalik ulit ang hit musical na Rak of Aegis para sa 47th season ng Philippine Educational Theater Association (PETA).
Muling aawitin ni Aicelle Santos (of La Diva) ang mga songs na pinasikat ng Aegis tulad ng Luha, Halik at Basang-basa sa Ulan sa naturang musical.
Muling makakasama ni Aicelle sina Isay Alvarez, Robert Sena, Joan Bugcat, Cacai Bautista, Neomi Gonzales, Jerald Napoles, Nor Domingo, Ron Alfonso, Phillip Palmos, Gold Villar, Carlon Matobato, John Moran, Paeng Sudayan, Gimbey dela Cruz, at Jet Barrun.
Magsisimula ulit ang Rak of Aegis sa June 20 at tatakbo hanggang August 31.
Justin BIeber isinusuka ng mga Amerikano
Mukhang hindi papaboran ng White House ang pag-deport sa Canadian pop star na si Justin Bieber kahit na may higit na 275,000 people na ang pumirma sa isang petition para sa pagpapa-deport sa pop star.
Nahigitan pa nito ang 100,000 signatures required para sa presidential consideration.
Ang naturang petition ay ginawa ng isang nagÂngangalang J.A. na taga-Detroit noong January 23, the same day na nahuli si Bieber sa Miami Beach for illegal drag racing.
Heto ang petition: “We, the people of the United States feel that we are being wrongly represented in the world of pop culture.
“We would like to see the dangerous, reckless, destructive, and drug-abusing Justin Bieber deported and his green card revoked.
“He is not only threatening the safety of our people but he is also a terrible influence on our nation’s youth. We, the people would like to remove Justin Bieber from our society.â€
Sa ngayon ay nasa US territory pa rin si Bieber with a renewable O-1 visa for entertainers.
Wala pang balita kung maaapektuhan ang visa ni Bieber dahil sa kanyang pagkakaaresto. Hindi pa nagku-comment ang White House sa naturang petition.
May kakaharapin ding assault charges si Bieber sa Canada pagkatapos niyang paluin sa likod ng ulo ang isang limousine driver.
- Latest