Palabas na The Bible sa mga bus, pirated!
Alam naman ninyo nitong mga nakaraang araw, puro biyahe at bakasyon ang mga tao. May isa kaming kakilala na nag-text sa amin. Bumiyahe raw siya papuntang Bicol sakay ng isang bus. May TV at may video na palabas. Ang kuwento niya, sa buong biyahe raw niya ay natapos nilang panoorin ang seryeng The Bible na inilabas ng History Channel. Siguro raw naisip ng driver at konduktor ng bus na dahil sa panahon nga, mas magandang iyon ang mapanood ng kanilang mga pasahero.
Pero ang kopya, halata raw na pirated.
Mas natawag naman ang aming pansin ng isang text message ng isang kaibigan naming sumakay sa isang bus na biyaheng Pangasinan, although ang pupuntahan lang naman niya ay Angeles City sa Pampanga. Sabi niya, “Mabuti na lang at Angeles lang bumaba na kami. Iyong nasakyan naming bus naglalabas ng pelikulang bomba.â€
Maraming ganyan, lalo na kung gabi ang biyahe. Kamakailan lang may natiyempuhan din kaming ganyan. Noong panahon ni Senadora Grace Poe sa Movie and Television Review Classification and Board (MTRCB), iyan ang isa sa mahigpit niyang ipinakikiusap na bantayan ng mga deputies ng board. May mga nahuhuli noon, aywan lang namin ngayon kung nababantayan nila iyan pero obviously maraming ganyan na hindi naman nare-report. (Balita pong nag-ikot si MTRCB Chairman Toto Villareal at sumakay sa mga bus para mag-lecture sa mga driver na matigas ang ulo na patuloy na nagpapalabas ng mga pirated at malalaswang video. – SVA)
Ang alam namin, noong panahon ni Senador Grace Poe, iyan ay responsibilidad ng MTRCB, aywan lang namin kung ngayon ay ganoon pa rin.
Pambabasted kay Daniel Matsunaga hindi kapani-paniwala
May isa pang text message na tawang-tawa kami. Sabi sa text, “halimbawa ba ikaw ay isang matino at may utak na babae, ipagpapalit mo ba si Daniel Matsunaga kay.......? Unless of course hindi ka kasi pinatulan ni Daniel.†Ang lakas talaga ng tawa namin noong mabasa namin ang text. Oo nga naman, parang walang utak.
Anyway, sinasabi nga nila na isa si Daniel Matsunaga sa pantasya ng mga kababaihan dito sa atin. Maski siguro sa abroad, kasi model din siya roon. Pero kung ang talagang maaabot mo naman ay hanggang pantasya lang dahil hindi ka naman papatulan maski na magsisirko-sirko ka pa, baka nga mag-settle ka na rin para sa isang kamukha ni........ Ha ha ha ha ha.
Mayor, kinawawang mga bata sa kanta!
Isa pang tawa kami nang tawa kahit pagod sa Visita Iglesia noong isang gabi. Narinig namin ang mga bata sa patio ng simbahan na kumakanta ng tono ng Kawawang Koboy na pinasikat noong araw ni Fred Panopio. Sabi ng kanta, “ang kawawang mayor, may anak iiwan siya, may syota wala namang kuwenta.â€
Nakalimutan naming simbahan iyon, naÂpatawa kami ng malakas talaga. Happy Easter nga pala.
- Latest