^

Pang Movies

Dyesebel at Ikaw Lamang marathon specials, mapapanood sa Sabado de Gloria...

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handog ng ABS-CBN sa TV viewers ang isang special Holy Week prog­raming ngayong Huwebes Santo (April 17), Biyernes Santo (April 18), at Sabado de Gloria (April 19).

Kabilang sa mga ipapalabas ay mga napapanahong dokumentaryong magpapalalim at hahamon ng pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino; mga nakaaantig na pelikula ng Star Cinema; inspirational episodes ng Maalaala Mo Kaya (MMK); at three-hour marathon specials ng mga top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Dyesebel at Ikaw Lamang.

Sa Huwebes Santo, mapapanood ang Experiencing Holy Land (9:30AM);  Animazing Tales (10:30AM); Lenten Recollection: Healing Eucharist  (12NN);  Journey to God’s Heart part 1 (2PM),  Kalbaryo 2014 (3PM); Ce­lebration of the Lord’s Supper: Healing Eucharist (5PM); Sine Natin Ito: My Only U (6PM); MMK: Kalendaryo (7:30PM); The Bible marathon (9PM); at O-Shopping (12MN).

Gunitain ang Mahal na Araw kasama ang mga kapamilya sa Biyernes Santo at panoorin ang mga sumusunod: Faithwalk: A Pilgrimage to Egypt, Jordan and Holy Land (9AM); Animazing Tales (10:30AM); Seven Last Words (12NN);  Journey to God’s Heart part 2 (3PM), Veneration of the Cross: Healing Eucharist (4PM); Pope of the Century (5PM);  Sine Natin Ito: Moment In Time (6PM); MMK: Flyers (7:30PM);  The Bible marathon (9PM); at O-Shopping (12MN).

Pagdating ng Sabado de Gloria, mga prog­ramang gigising sa puso ng Kapamilya viewers ang itatampok kabilang ang Animazing Tales (10:30AM);  Dyesebel: Marathon Special (12NN); Ikaw Lamang: Marathon Special  (3PM),  Sine Natin Ito: Sa ‘Yo Lamang (6PM); MMK: Kwintas  (7:30PM);  The Bible  marathon (9PM); at O-Shopping (12MN).

Bantay-biyahe Holy Week 2014 nasa NLEX at SLEX

Maghahatid ng Serbisyong Totoo ang ultimate travel budget program na Biyahe ni Drew para sa mga biyahero ng North Luzon at South Luzon expressway sa pamamagitan ng Bantay-Biyahe Holy Week 2014.

Ngayong Huwebes Santo, simula 9:00 ng umaga, pangungunahan ng Biyahe ni Drew ang pagbibigay ng Serbisyong Totoo sa mga biyaherong patungong Norte. Maaring tumigil pansamantala sa may Shell Balagtas, Bulacan station para sa libreng blood pressure check-up.  Mayroon ding games at giveaways na ipamamahagi ang grupo ng Bantay-Biyahe.

Sa Linggo ng Pagkabuhay naman, nasa Biñan, Laguna Shell station ang grupo para magbigay rin ng libreng blood pressure check-up pati na rin mga games at giveaways sa mga biyahero simula 5:00 PM.

Ang Biyahe ni Drew ay ang ultimate budget travel program ng GMA News TV na napapanood tuwing Biyernes ng gabi.

ANIMAZING TALES

BIYERNES SANTO

HEALING EUCHARIST

HOLY WEEK

IKAW LAMANG

MARATHON SPECIAL

SINE NATIN ITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with