Ni-reject kahapon ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ang motion for judicial determination of probable cause ng kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.
Nag-file ng motion ang dalawa sa Branch 271 ng Taguig Regional Trial Court para hindi ito maglabas ng warrant of arrest dahil sa serious illegal detention case na isinampa ni Vhong Navarro at inaprubahan ng Department of Justice.
Nakatakda na maglabas ng warrant of arrest si Judge Paz Esperanza Cortez para sa non-bailable offense nina Cedric, Deniece at ng mga sangkot sa pambubugbog kay Vhong noong January 22.
Hindi pa lumalantad sa publiko sina Cedric at Deniece mula nang ilabas ng DOJ ang desisyon na may sapat na ebidensya para sampahan sila ng serious illegal detention case.
Kumalat ang balita na sinabi raw ni Deniece na handa ito na harapin ang kaso. Alam kaya ni Deniece na makukulong siya dahil walang piyansa sa serious illegal detention case?
As in mananatili siya sa loob ng kulungan habang dinidinig ang kaso? Sa totoo lang, may dapat ikatensyon at ikabahala si Deniece na hindi pa nararanasan ang makulong.
Hindi niya alam ang mga posibleng mangyari sa loob, lalo na sa katulad niya na sangkot sa isang high-profile case.
‘Kailangang mabawi ko kay Ryzza Mae ang susi ng condo ko’
Naglalamyerda pa sa Canada si Ryzza Mae Dizon at ang kanyang ina dahil may show sa Toronto ang Eat Bulaga.
Hindi ko pa nakakausap ang mag-ina. Nababasa ko lang sa mga newspaper na nakabili na sila ng house and lot na lilipatan nila sa lalong madaling panahon.
Kailangang magkita at magkausap kami para mabawi ko ang susi ng condo unit ko na naging temporary shelter nila habang naghahanap sila ng bahay na mabibili.
Sa April 15 pa ang balik sa Pilipinas ng mag-ina dahil bukas pa ang show ng Eat Bulaga sa Toronto.
Pelikula sa HBO swak semana santa
Hooked na hooked ako sa panonood ng mga pelikula sa HBO. Gustung-gusto ko ang pelikula na napanood ko tungkol sa isang boarding school na pinasok at sinakop ng mga South American terrorist.
Talagang ipinagtanong ko ang title ng movie na type ko na mapanood uli. Toy Soldiers ang pamagat ng 1991 Hollywood movie na kinabaliwan ko at pinagbibidahan nina Sean Astin at Lou Gossett Jr. Ang Toy Soldiers ang isa sa mga pelikula na highly-recommended ko na dapat panoorin ngayong Holy Week ng mga tao na walang balak magpunta sa mga beach resort o magbakasyon sa mga probinsya na malalayo.
Mga babae ni Herbert pilit na kinakalkal, epekto sa ginawang pag-amin ni Kris
Nanghihinayang ako dahil hindi ko napanood kahapon ang Showbiz Police ng TV5.
Inaabangan ko pa naman ang Showbiz Police dahil tungkol sa mga babae na nakarelasyon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanilang topic.
Interesado ako na malaman ang mga babae na naÂging bahagi ng buhay ni Herbert, maliban kina Eloisa Matias, Tates Gana, at Kris Aquino.
Kinakalkal na ng media ang mga kaganapan sa buhay ni Herbert at ito ang epekto ng pag-amin ni Kris tungkol sa kanilang relasyon. Mas mabuti pa talaga na hindi sila umamin para hindi nagulo ang kanilang buhay.