^

Pang Movies

It’s Showtime hosts bibida sa drama ng buhay ng mga naging contestant para sa Semana Santa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling sasabak sa acting ang hosts ng numero unong Kapamilya noontime show na It’s Showtime para isabuhay ang limang kwentong hango sa totoong buhay upang magbigay ng inspirasyon sa madlang people ngayong Semana Santa.

Sa Holy Week special ng programa ngayong Lunes (Abril 14), matutunghayan ang life story ng Stars on 45 grand champion na si Haydee Manosca, na gagampanan ni Karylle, at ng second runner-up na si Charlie Fry, na gagampanan naman ni Billy Crawford.

Sa Martes (Abril 15), mapapanood si Vice Ganda bilang ang Stars on 45 wildcard contestant na si Reuben Quilantang upang ibahagi kung ano ang pinagdaanan nito bago siya nakatungtong sa Showtime stage.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay gagampanan ni Coleen Garcia ang papel ng isang tomboy upang isabuhay ang life story ng That’s My Tomboy finalist na si Chucks Ledbetter. Susundan ito ng nakaaantig na kuwento ng Kalokalike ni Vhong Navarro na si Mark Tyler Dela Cruz. Gagampanan ito mismo ni Vhong, na sinabing hindi niya inakalang mahihirapan siyang atakihin ang karakter ng Kalokalike niya.

Tampok din sa Holy Week special sina Jhong Hilario, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, at Eruption, at ilang mga batikang aktor at aktres sa industriya bilang special guests sa natatanging roles na siguradong aantig sa puso ng mga manonood.

Huwag palampasin ang Holy Week special ng It’s Showtime, 12:30 p.m. ngayong Lunes hanggang Miyerkules (Abril 14-16) sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter, @ItsShowtimeOfficial_IG sa Instagram, o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena. Para sa exclusive photos at videos, bisitahin ang official website ng “It’s Showtime” na itsshowtime.abs-cbn.com.

 

vuukle comment

ABRIL

BILLY CRAWFORD

CHARLIE FRY

CHUCKS LEDBETTER

COLEEN GARCIA

HAYDEE MANOSCA

HOLY WEEK

JHONG HILARIO

JUGS JUGUETA

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with