^

Pang Movies

Sakto sa Araw ng Palaspas, dasal ng mga kababayan kailangang-kailangan ni Pacman

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Noong mga huling laban ni Rep. Manny Pacquiao, napansin na nabawasan ang ating mga kababayang nagdarasal para manalo siya. This time sa MGM Grand, na return bout nila ni Timothy Brad-ley, higit na kailangan ni Pacman ang panalangin.

Lalo pa’t pinanigan ng Ring magazine si Bradley na nakauungos sa Pambansang Kamao upang ma­nalo. Aba, higit na dapat tayong magkaisa upang tulu­ngan sa dasal ang dakilang Pinoy champion.

Panahon ng Kuwaresma ngayon na higit na marami ang nananalangin sa Diyos. Ang mga milagro kasi, pinagkakaloob sa panahong ito. Kahit sabihin pang isang himala ang pagwawagi ni Pacman sa Linggo (Sabado sa Las Vegas) sa ating mga puso, ma­daling ipagkaloob ’yon, kung tayo’y taimtim na magdarasal.

Kasama na ni Pacman ang kanyang inang si Mother Dionisia, na epektibong prayer warrior, kaya meron na siyang isang mabisang sandata. Dagdagan pa natin ang puwersa ng panalangin, kung lahat tayo magkakaisang tumawag sa Kanya.

Isa sa pinakamasayang araw ng Kuwaresma sa Linggo o Palm Sunday. Ito ang pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem at sinalubong siya ng mga taong nagwawagayway ng palaspas. Sana maging tagumpay kay Pacman at sa lahat ng Pinoy ang araw ng Palaspas.

Benjamin Alves at Jennylyn Mercado nagkakaayos na

Sabay ang pagde-deny nina Jennylyn Mercado at Benjamin Alves na sila’y nagdi-date. Paano nga naman aamin ang aktres kung kahit sa ilusyon wala naman silang relasyon ng U.S. based actor.

They are a handsome pair at bagay na bagay silang dalawa on and off the camera. Ewan kung merong misis at anak sa States si Benjamin. Kung wala pa, they have all the right to start a romance.

Potential National Artist for Music, tuturuan mag-opera si Anne

Na-stressed ang opera diva and potential National Artist for Music na si Fides Cuyugan Asensio sa balitang gustong umawit ng mga aria si Anne Curtis! Baka naisip niyang mahirap maging vocal coach ng TV host/actress, lalo na sa pagkanta ng opera!

Higit namang malaki ang challenge kung si Anne ang tuturuan niya. Kapag kahit papaano ay nagawa ng malakas ang loob at walang kinatatakutang babae ang umawit ng mga kanta sina Fides, the late Conching Rosal at Dolly Buencamino Francia, higit na papuri ang tatanggapin ng maestra.

Tambalang AiAi at Vilma pinuputakti ng problema

Tiyak na hindi na kasali sa 2014 Metro Manila Film Festival ang AiAi delas Alas-Vilma Santos team-up movie. Maraming problema at imposibleng malutas agad ito, upang umabot sila sa deadline.

Ang isang malakas na entry na nabalita ay ang tambalang Vice Ganda at Daniel Padilla. Siyempre co-produced ito ng Viva Entertainment at Star Ci-nema. Sino naman kaya ang mga suporta. Isali na rin sina Ryzza Mae Dizon at Bimby, para maging unbeatable ang kanilang official entry!

Pelikula nina Yeng at Felix wagi sa Japan

Malaking karangalan ang inuwi ng pelikulang Shift (Grand Prix) ni Siege Ledesma sa Osaka Asian Festival, Japan. Maraming mga multi-awarded Japa-nese and American entries, kaya’t ang Pinay director ay nagulat, nang tawagin ang pelikulang lahok sa Cinema One contest as winner.

Malaking karangalan ito para sa mga bida ng Shift na sina Yeng Constantino at Felix Roco, na gumanap bilang mga call center workers.

Kabilang sa premyo kay Ledesma ang US$6,000 (about P230,000) cash prize at isang tropeo.

Isa pang Pinoy entry, Ang Huling Chacha ni Anita by another lady filmmaker Sigfrid Bernardo, ang nagwagi ng Special Mention.

 

ALAS-VILMA SANTOS

ANG HULING CHACHA

BENJAMIN ALVES

JENNYLYN MERCADO

PACMAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with