Fans ng Panget hinimatay sa tulakan

Dahil certified box-office hit sa romantic-comedy na Diary ng Panget: The Movie ng Viva Films, naglabasan tuloy ang pictures ni James Reid kasama ang diumano’y real-life girlfriend niya. Maituturing na ngang newest matinee idol and hunk na Fil-Australian teen actor dahil sa overwhelming response ng mga tagahanga sa kanya sa pelikula.

Pero dahil sa biglaang success ulit ng nanalo sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Clash noong 2010, hindi mapigilan na may mga maglabas ng mga picture nito kasama ang kanyang sinasabing tunay na girlfriend.

Ericka Villongco ang name ng sinasabing totoong girlfriend ni James. Isa raw singer itong si Ericka at noong isang taon pa raw sila may relasyon ng Panget actor.

Pero nang tanungin nga namin noon si James tungkol kay Ericka, wala itong sinagot at ngumiti lang ito. Ang tanging nabanggit lang niya ay ang panliligaw niya noon sa ka-batch niya sa PBB Teen Clash na si Devon Seron na taga-Cebu City. Pinag-partner pa sila noon at tinawag ang kanilang tandem na JaeVon.

Inamin ni James na bigla na lang daw nawalan sila ng communication ni Devon dahil hindi nga raw siya gusto ng mother nito.

“Wala kaming closure ni Devon. We just stopped communicating. If there’s a chance to patch things up with her, it would be good for both of us.

“I know that she’s still active and she has shows sa ABS-CBN 2. Maybe someday that closure will happen,” sabi niya.

Ngayon at sikat na ang tambalan nila ni Nadine Lustre na JaDine, hindi malayong pagbawalan si James na makipagkita ng madalas sa kanyang GF na si Ericka.

Anyway, simula noong nagbukas ang Diary ng Panget ng April 2, kumita na ito ng higit sa P20 million as of Thursday (April 3).

Inaasahan na kikita ng higit sa P200 million ang Diary ng Panget: The Movie ngayong weekend at sa magiging extended run nito dahil patuloy pa ang mall tour ng buong cast. Kahapon ay nasa SM Sta. Rosa sila at ang balita ay hindi na natuloy ang autograph signing dahil hindi na ma-control ang crowd. Grabe na raw ang tulakan at anim na ang hinimatay kaya nagdesisyon ang management ng SM City Sta. Rosa na ikansela na lang kesa mas marami pa ang masaktan.

 

Young actor nag-iba ng gym at pinapasyalang mall para hindi na masundanng ex-girlfriend na ‘nababaliw’ na

Stalker kung tawagin ang isang young actress dahil sa ginawa nitong panggugulo sa isang young actor na dati niyang nakarelasyon. Nakipagkalas ang young actor dahil hindi na makayanan ang hindi magandang ugali ng young actress.

Nasaksihan kasi ng young actor kung paano tratuhin ang personal assistant (PA) nito at naaawa nga siya dahil bukod sa mababa na ang suweldo ay hindi pa raw ito pinapakain ng tama ng young actress.

Sinubukan nga raw kausapin ni young actor ang young actress tungkol sa pagtrato sa kanyang PA. Imbes daw na makinig ay nagtatalak pa raw sa kanya ang girlfriend at nagbanta pang tatanggalan niya ng trabaho ang PA niya dahil sa pagiging sumbungera nito.

 Doon na nag-decide si young actor na tigilan na si young actress dahil may problema na sa pag-iisip ito. Kinausap niya ito na maghiwalay muna sila dahil may kailangan itong ayusin sa personalidad niya.

Hindi matanggap ng young actress ang pakikipag-break sa kanya ni young actor kaya ilang linggo niya itong sinundan-sundan kahit saan.

Nagugulat na lang daw si young actor dahil kahit daw sa gym ay sinundan siya at hanggang sa pakikipag-date sa isang non-showbiz girl.

Nagpaka-stalker na ang young actress dahil gusto niyang makipagbalikan. Nangako ito na aayusin niya ang lahat at kung kailangan daw na mag-sorry siya sa mga taong nasaktan niya ay gagawin niya basta balikan lang siya.

Naawa ang young actor sa ginagawa ng young actress kaya lalo niya itong nilayuan. Kinausap nito ang mga guard sa kanyang pinupuntahang gym at sinabing kapag hinanap siya ni young actress ay sabihing wala siya roon.

Nag-iba rin nang pinupuntahan na mall at restaurants si young actor para lang maiwasan niya si young actress. Doon siya nakikipag-date sa lugar na alam niyang hindi mapupuntahan.

Ayaw daw niyang i-tolerate ang kabaliwan ng young actress kaya as much as possible ay shut out ito sa lahat ng communications para maayos ang kanyang sarili.

Show comments