Puhunan ipi-freeze na Sen. Bong hindi na makakapag-produce uli ng Panday
Kritikal pero nararapat ang desisyon ni Sen. Ramon ‘‘Bong’’ Revilla, Jr., na ituloy ang paggawa ng pelikula. Balak niyang ilahok ang isang bagong kabanata ng Ang Panday sa 2014 Metro Manila Film Festival.
The name Fernando Poe, Jr. or FPJ is one of the most poÂwerÂful and magical names in the history of our country. Malaki ang naitulong ni FPJ upang maging pangulo ng bansa ang isang Joseph‘‘Erap’’ Estrada.
Si FPJ din ang nagdala upang magwagi bilang topnotcher ang kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares sa nakaraang senatorial elections.
Ang pangalan din ni Da King ang unang nag-ugÂnay sa blockbuster editions ng Panday action/fantasy film franchise.
Naipamana niya ito kay Sen. Bong na nagbigay naman ng suwerte sa takilya sa actor/politician. Tiyak na ang Panday ni FPJ ang magbabalik sa mga puso ng masa kay Sen. Bong.
Kaya lang merong bagong balita na gawing froÂzen ang mga pera sa bangko at iba pang assets ng tatlong senador na sangkot sa pork barrel scam. Paano makakapag-produce si Sen. Bong kung walang puhunan? Ang budget pa naman ng isang version ng Panday film franchise ay mula P80 million hanggang labis na P100M!
Marami namang magkakapatid ang angkan ng Revilla na naging artista, producer, at director. Halos lahat sila nakapagpundar ng kabuhayan mula sa industriya ng pelikula.
Channel 2 at 5 nagpapa-misa para sa may karamdaman na hirap nang maglakad
Sa mga fellow senior citizen na may karamdaman at hirap nang maglakad, puwede kayong magsimba through the television mass every Sunday, six in the morning. Karaniwan pa sa mga misang ito ay healing mass kaya baka malunasan pa ang ating mga sakit.
Ang TV mass ay regular tuwing Linggo ng alas-sais ng umaga on Channel 2 and TV5. Hindi na kayo aalis ng bahay.
Solenn idinenay na engaged na ang brother kay Anne
Masaya si Solenn Heussaff na nagbago ang isip niya na kapag 27 years old na siya ay dapat may pamilya na. She is already 28 at wala pa silang balak magpakasal ng kanyang ArgentiÂnian boyfriend na si Nico Bolzico. Sa Myanmar naman sila magbabakasyon ng apat na araw.
Si Solenn mismo ang nagbigay liwanag sa balitang engaged na ang kanyang brother na si Erwan Heussaff with Anne Curtis. ‘‘Hindi pa po,’’ biglang pagtutol ni Solenn. ‘‘Bata pa po ang brother ko at wala pa silang balak magpakasal ni Anne.’’
Randy sa mayayaman na nagko-concert
Tiyak na tumanda na ang dating fans ni Randy Santiago kaya’t ang kanyang venue ngayon ay nationwide casinos. He top bills Hataw sa Tag-Araw the whole month of April in almost all the PAGCOR gaming centers all over the country.
Sana’y mayayaman o yumaman din ang kanyang mga tagahanga upang ma-afford mag-casino. Kahit libre ang kanyang mga show, dapat siguro magsugal din kayo roon habang nanonood ng palabas.
Joross inabot ng 13 years at paiba-ibang kurso bago grumadweyt
Naka-graduate na pala ng mass communication si Joross Gamboa from the Southville International School and College. Una niyang kinuha ang computer application, hanggang mag-shift siya sa nursing. Bandang huli, natapos ni Joross ang nasabing kurso sa komunikasyon.
It took him 13 years upang maka-graduate sa college. Tunay na nagtiyaga siya at pinagsikapan na magkaroon ng college diploma!
Richard dini-demand nang magka-concert sa Araneta
Magdiriwang na ng kanyang 47th birthday si Richard Yap on May 18. Inaabangan ng kanyang fans kung anu-anong special activities ang plano ng teledrama sensation.
Hiling ng karamihan sa kanila, magkaroon ng live concert si Richard sa isang major venue. Kayang-kaya namang punuin ng actor/singer kahit ang Smart Araneta Coliseum.
- Latest