Senior actress expert nang magpalipas ng kati kahit sa sulok lang

MANILA, Philippines - Kung saan-saan daw pinararaos ng isang senior actress ang kakatihan kapag may natipuhan siyang lalaki sa bawat series na ginagawa. Kahit hindi artista, basta may hitsura at tipelya ng senior actress, niyaya niya ang lalaki sa sukal na sulok ng location mairaos lang ang kaelyahan.

Eh kung hindi out of town ang location, sa mga comfort room hinaha­nap ang senior actress ’pag sa Metro Manila ang kanilang location. Kapag hinahanap na sa set ng senior actress at hindi sinasagot ang phone, knows na ng staff kung saan siya hahanapin, huh!

After mairaos ang kati, normal lang ang porma ng senior actress na sanay na sanay na sa ganoong sitwasyon na nahuhuli sa lugar na pinagpaparausan.

Aljur at Louise isinasakripisyo ang mga karelasyon para sa kanilang show?!

Dumepensa ang malalalapit na tao kina Aljur Abrenica at Louise delos Reyes upang pabulaanan na nag-check in sa isang hotel sa Subic, Zambales ang dalawa. Eh naging mitsa nga ang tsismis upang kumalat ang balitang nakipaghiwalay na si Louise sa boyfriend niyang si Enzo Pineda.

Ayon sa defenders ng dalawa, nakipagkita kina Aljur at Louise ang kapwa nila licensed divers upang mag-usap sa isang hotel sa Subic. Licensed divers na ang young actor at young actress matapos nilang mag-training sa diving kaugnay ng mga eksena nila sa Kambal Sirena.

“Masaya sila sa mga karelasyon nila kaya walang dahilan sina Aljur at Louise na sirain ang relasyon nila para lamang sa sariling kapakanan,” sabi sa amin ng malapit sa dalawa.

Kuh magpapa-exhibit para may panggastos sa indie film

Mauunahan ni Kuh Ledesma si Heart Evangelista pagdating sa pagkakaroon ng painting exhibit. This April 8 ay gagawin ang second painting exhibit ng singer-actress sa White Space sa Makati City after almost two years. Ang pondo na malilikom ay gagamitin niya sa paggawa ng indie film niyang Hilom na based sa mga totoong istorya ng mga tao.

The Beauty of Purpose ang title ng kanyang exhibit at 40 paintings ang kanyang ginawa. Hindi niya tantiya kung gaano katagal ang bawat pagtatapos ng painting niya.

“Minsan, araw. Minsan, oras. Hindi naman sa mood. Ang importante sa akin ay ’yung masigla ako at hindi ako inaantok. ’Pag inaanok ako, hindi ako maka-paint. Pero siguro ’pag sinuhulan mo ako, tapos agad. Hahaha!” biro ng singer-actress.

After ng painting exhibit, ang concert nila ng anak na si Isabela na Amazing Love sa Hacienda Isabela sa Tagaytay on April 19 ang gagawin niya.

“After that, I’m preparing for my 35th anniversary concert. Then ’yung libro na gusto ko nang ma-finish. Pero after the Holy Week magbabakas­yon muna ako. ’Yung wala akong masyadong iniisip,” saad niya.

Show comments