Hindi na kami nagtaka kung halos nag-breakdown si Iza Calzado noong isang gabi sa kanyang TV interview. Talaga naman kasing maraming piÂnagdaanan ang dalagang ’yan. In fact, noong una nga raw ay bantulot siyang pumasok sa showbusiness pero na-encourage siya dahil sa kanyang ama, ang yumaong si Lito Calzado. Alam namin dahil matagal naming kaibigan si Lito.
Sinasabi ng mga kasamahan niya sa Walang TuÂlugan with Master Showman, na siyang huÂling show na kanyang sinalihan bago pumanaw, na siguÂro ay kami lang ang nakakabiro sa kanya, kasi naririnig nila minsan ang aming pagbibiruan, na hindi magagawa ng iba. Seryosong tao kasi si Lito.
Ang madalas lang naman naming biro kay Lito, kasama na siyang sumayaw ng Bayanihan Philippine Dance Company sa New York noong 1962 pa. Totoo naman iyon dahil nakita pa nga namin sa isa sa aming mga research ang picture ng sayaw na iyon.
Naalala rin namin, noong unang press confeÂrence ni Iza sa isang project na ginawa niya noon sa Viva. Kabado si Lito, dahil baka raw kung ano ang tanungin ng press sa kanyang anak. Nakiusap siyang alalayan naman namin si Iza dahil alam niya na hindi pa ready ang kanyang anak sa mga personal na question, lalo na at tungkol nga sa kanilang pamilya. Alam naman kasi ni Lito, alam namin ang istorya ng buhay nila.
Nalampasan naman ni Iza ang lahat ng iyon. At sabi nga namin one time sa tatay niya, mukhang okay naman dahil walang nabubungkal kahit na ano. Ilang taon na rin naman iyon kaya nga hindi kami nagtataka kung mailabas na ni Iza mismo ang mga bagay na iyon, matagal na rin niyang kinikimkim iyon sa loob niya. Pati na ang naging problema niya sa ina.
Kulang pa ang sinabi niya sa kanyang TV interview pero kahanga-hanga siya dahil matibay pa rin siya. Sa nakikita namin, ang tibay na iyon ng kanyang loob ang mas magpapatagal sa kanya sa showbusiness. Sa ipinakikita niya, palagay namin kahit na ano pa ang dumating na kasunod, kaya na ni Iza.
Kim nagmumukha nang negang-nega
Parang masyadong sensationalized naman ang sinasabing alitan nina Maja Salvador at Kim Chiu. Kung natatandaan ninyo, nangyari rin ang mga ganyang usapan noon kay Bea Alonzo. Sa nakikita namin, para tuloy sinasabi nila na hanggang ngayon ay hindi pa maka-get over si Kim sa nangyari sa kanilang relasyon ni Gerald Anderson dati. Ilang taon na rin naman ang nakararaan, hanggang ngayon ba ay masama pa ang loob ni Kim?
Actually, ang ganyang klaseng publisidad ay hindi maganda para kay Kim.
Aktor palihim na nagbalik- ’Pinas para idemanda ang misis at magpa-annul na
Nagbalik daw sa Pilipinas ang isang dating aktor dahil sa problemang ginawa ng misis niya. Idinemanda yata niya ang misis niya at gusto niya ng annulment ng kanilang kasal. Pero hindi na siya nagpakita pa sa mga kaibigan niya.
Siguro ayaw na niyang mapag-usapan pa ang problema.