Aktor pinagpapantasyahan pa rin kahit umaalingasaw na ang pagiging beki

MANILA, Philippines - Nangingiti na lang nang palihim ang ilang entertainment writers nang mapili ang isang young actor ng isang produkto na isa sa mga artistang pinagpapantasyahan ngayon ng mga kababaihan.

Macho man ang dating ng aktor pero nandoon pa rin ang lamya sa kanya. Pilit pa pilit daw kasi siyang nagpapakalalaki eh umaalingasaw naman ang pagiging beki niya!

Ang tanging konsolasyon na lang ng mga lihim na ngiti ng press ay maga­ling mananso ang aktor dahil may mga girl pa ring nabubulagan sa tikas ng katawan niya.

Siya rin kaya ‘yung artistang bago matulog ay sinusuklay ang buhok ng 100 beses, Salve A.? O ’di kaya iba-iba ang klase ng lotion na pinapahid sa mga bahagi ng kanyang katawan na sinulat naman ni Ricky Lo?

Hehehe. Grabe naman siya!

Young actress kulang sa respeto sa matatanda

Napansin agad ng press ang kawalan ng pagsasalita ng “po” at “opo” sa interview ng isang young actress. Maganda man ang mukha ng aktres, mas may dagdag na puntos sa mga manonood na nariringgan siya kung may galang ang pagsasalita sa kausap.

Pinagpasensiyahan na lang ng press ang kausap ng young actress kung hindi na­ba­banggit ang salitang tanda ng paggalang sa nakatatanda. Alam kasi nilang ang background ng pamilya ng young actress kaya dedma na lang sila kung kulang siya sa kagandahang-asal.

Megan nakumbinsing maibalandra ang likod sa shower scene

Sosyal na si Megan Young dahil isa siya sa mapalad na binigyan ng comme­morative stamp ng PhilPost, huh!

Big factor ang titulo niyang kauna-­unahang Miss World ng bansa kaya gina­waran siya ng ganitong recognition ng government office. ’Yun nga lang baka ma-insecure ang iba nating beauty titlists sa pagkakaroon niya ng sari­ling stamp, huh!

Eh bago maging Miss World, nakagawa ng episode sa Bang Bang Alley indie movie si Megan. That time na hindi pa siya international beauty titlist, walang kahina-hinala ang direktor niyang si Ely Buendia sa mga plano niyang sumali sa beauty contest.

Naku, kung Miss World na that time si Megan, tiyak na mahihirapan siyang kumbinsihin ni Ely na gawin ang shower scene sa movie kung saan ibi­nalandra ang likod niya, huh!

 

Show comments