Andre Paras hindi napilit magpakita ng abs!

MANILA, Philippines - Nakantiyawan si Andre Paras na hubarin ang suot pang-itaas dahil sa pagbibigay ni James Reid na itaas ang sando na suot upang makita ang katakam-takam niyang katawan. Magkasama ang dalawa sa movie na Diary ng Panget at nag-press launch ito last Friday sa The Library Metro Walk sa Pasig City.

Sa trailer ng movie, may eksena sa banyo si James na hubad na tumambad sa kapareha niyang si Nadine Ilustre. Pero walang eksenang ganoon si Andre.

Ayon kay Direk Andoy Ranay, mas marami pang eksenang sexy si James. “Hindi ako nagdamot. Nakaka-excite rin kasi eh!” natatawang deklara ng direktor.

Si Andre ba nagpakita rin ng yumminess sa pelikula?

 â€œHindi ko kayo bibiguin. Hahaha!” pang-aakit pa ni Direk Andoy.

Si Andre ba magpapatalo sa ginawa ni James?

“Sa totoo lang, mahaba ang proseso ni Andre bago niya tanggalin ang shirt niya sa eksena. Push-ups. Makikita ninyo,” paniniyak ng director.

 â€œPara sa akin naman, I think, the people who know me, chubby. Ang impression ninyo ay surprise kapag nakita ninyo akong shirtless. Ang katawan ko po, it’s not like James,” katuwiran ng anak ni Benjie Paras. “Ipo-post ko na lang. Abangan ninyo,” sabi pa ni Andre.

Sa April 2 na ang showing ng Diary ng Panget at nasa cast din si Yassi Pressman.

Ellen itinakwil ng ama ng dalawang taon

Walang reklamo si Ellen Adarna kung sexy ang packaging na ibinibenta sa kanya lalo sa unang Kapamilya series niyang Moon of Desire.

 â€œEh ‘di okay. Wala naman po talaga akong pakialam eh. Totoo naman po,” say ni Ellen sa presscon ng bagong TV show.

Gaano ba siya ka-liberated?

 â€œParty girl ako rati! Hahaha! I didn’t grow up in a very conservative house. When I was eighteen, kicked out na kami ng bahay. Hindi sa school. Sa bahay,” pag-amin niya.

Ang daddy daw niya kasi ay pinalaki sila gaya nang pagpapalaki ng isang Amerikano.

 â€œSo, when we’re eighteen, kasi may offices kami sa Cebu, ’yung ginawa niya, pinaalis niya kami sa bahay. ’Tapos parang nagtayo lang siya ng bahay sa itaas ng office,” tugon pa ng seksing aktres.

So, nung 18 years old ba siya ay nagwala na siya at ini-enjoy ang kabataan niya?

 â€œOo! Oo!” paulit-ulit niyang sagot.

Totoo ba ’yung itinakwil siya ng daddy niya?

 â€œAnong itinakwil? Ah, disowned? For a time. Siguro, mga two years. Nung nag-artista ako. Sabi niya foolish lang daw (ang showbiz). Hahaha!

 â€œFor a time lang ’yon. Okay na siya ngayon. Now I am doing something productive and I am learning. I am growing up slowly. So, happy naman siya,” katuwiran ni Ellen.

Nabanggit din pala niya na sa mga lalaking kasama niya sa Moon of Desire, kay JC de Vera siya nakakaramdam ng atraksiyon.

Show comments