Lovi handang ibigay ang pisngi kay Maricel

MANILA, Philippines - Sabi ni Lovi Poe, hindi raw niya kayang sampalin si Maricel Soriano kung dumating na ’yung ganung eksena sa kanilang teledrama. Takot ba siya sa bi­nansagang Miss Taray?

“Hindi naman sa takot ako,” sabi ni Lovi, “mataas lang kasi ang respeto ko sa isang magaling na aktres tulad niya.”

Pero kung si Maricel naman kaya ang sumampal sa kanya? 

“Okay lang. Professional actress naman siya at alam niya ang kanyang ginagawa,” sabi ni Lovi.

Misis hindi nagseselos sa ‘ibang asawa’ ni Richard Yap

Hanggang katapusan pa ng 2014 ang Be Careful wtih My Heart sa ABS-CBN, ayon kay Richard  “Papa Chen” Yap, na biglang sikat dahil sa teleseryeng ito. At ngayon ay pinagkakaguluhan pa ang aktor sa Vietnam.

Para kasing tunay na mag-asawa sina Richard at Jodi Sta. Maria sa serye.

“Bilib nga ako sa misis ko, hindi siya nagseselos at hindi pumapasok sa isip niya na baka may nangyayari sa amin ni Jodi sa set,” nakangiti pang sabi ni Papa Chen.

                                                               

 

Show comments