^

Pang Movies

Marian ginagawang pulutan sa blind item para kumita

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ayaw pa rin palang tumigil ang isang blogger na mahilig siraan si Marian Rivera. Wala raw kasing magbabasa ng kanyang blog at hindi siya kikita kung walang news tungkol sa GMA Primetime Queen na idinadaan niya sa blind item. Ang mahirap, pini-pick-up ng ibang wri­ters na hindi rin muna nagtatanong tungkol sa totoong nangyari at basta isinusulat at si Marian na naman ang masama.  Ang latest blind item niya nagalit daw si Marian nang piktyuran ng isang staff ng resort ang pagsu-swimming ni Dingdong Dantes kaya pinatanggal ito ng actress. Wala naman itong katotohanan dahil isang kasama nina Dingdong at Marian ang nagsabi na paano raw mangyayari iyon, private and exclusive iyong resort at walang pwedeng mag-picture sa mga guests nila roon kahit staff ng resort.  Malamang gawa-gawaan lamang ang blind item para may maisulat ang blogger.

Nananahimik si Marian, pero lagi na lamang may gumagawa ng issue sa kanya.  Mabuti na lamang hindi na niya pinapatulan ang mga ito at work na lamang siya nang work.  Kahapon, bago siya nag-report sa taping ng Carmela, nag-shoot muna siya ng TVC (TVCommercial) ng isang bagong endorsement. 

Gary wala nang diabetes!

Very successful ang album launch ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng kanyang fifth inspirational album, ang With You which he produced for GV Productions Inc. in cooperation with Manila Genesis Entertainment and Management, Inc. and Universal Records na ginawa sa Venice Piazza, The Global City. 

Naging front act ni Gary ang grupo niyang AKA JAM ng X-Factor. May ten cuts ang album at ang carrier single na With You which Gary composed para sa wedding ng eldest son niyang si Paolo to Samantha Godinez in February 2013 ay kinanta niya with daughter Kiana. The Answer naman ay na-compose niya after typhoon Yolanda hit the Philippines last November, ganoon din ang Kahit Pinoy ni Jonathan Manalo na dedicated din sa mga sinalanta ng bagyo sa Visayas.

Special request ng wife niyang si Angeli Pangilinan ang Para Sa ‘Yo Ama na tribute sa mga fathers. Pumanaw ang ama ni Gary na si Vic Valenciano last year at sa paggaling ng ama ni Angeli na pabalik-balik noon sa ICU at ngayon nakauwi na sa bahay.

After the launch, nagkaroon ng autograph signing si Gary kaya si Angeli ang nakausap ng ilang invited entertainment press.  Isa lamang ang tanong kay Angeli, paano napananatili ni Gary ang staying power nito at sa loob ng 30 years? Siya pa rin si Mr. Pure Energy. 

“First is God, then ang excellent talent ni Gary and his passion for his craft dahil kung paano siya nagtrabaho simula noon, ganoon pa rin siya hanggang sa ngayon, at ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya: the press, the producers, the sponsors and the fans na without them he wouldn’t be where he is now,” sabi ni Angeli.

“Pero ang pinaka-challenge pa rin, ang diabetes ni Gary, na he almost died couple of times, but God is so good, Gary is very well now.”

 

vuukle comment

ANGELI

ANGELI PANGILINAN

DINGDONG DANTES

GARY

GLOBAL CITY

JONATHAN MANALO

KAHIT PINOY

WITH YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with