Send-Off Concert ni Rachelle Ann mapapanood na sa GMA
MANILA, Philippines - Ngayong Linggo (Marso 16), ipapalabas ng GMA Network ang show-stopping farewell performance ng Fierce Songstress na si Rachelle Ann Go na pinamagatang Miss Rachelle: The Send-Off Concert sa SNBO.
Samahan ang Sunday All Stars mainstay na si Rachelle Ann sa paggunita sa kanyang sampung taon ng tagumpay sa music industry at sa pagbabahagi ng kanyang panibagong career bilang theater actress sa West End bago niya pansamantalang iwanan ang local entertainment scene. Mula sa pagiging bahagi ng mga top-rating musical show, pagiging aktres sa iba’t ibang teleserye, hanggang sa pagpo-produce ng chart-topping albums, tunay ngang handa na si Rachelle Ann sa pagkakaroon ng mas malaking role bilang Gigi ng Miss Saigon.
Ang Send-Off Concert ni Rachelle Ann ay talaga namang hindi malilimutan at tatatak sa mga isip at puso ng mga tao hindi lamang dahil sa kanyang natatanging husay sa larangan ng pag-awit kundi maging dahil sa power-packed performances ng kanyang mga espesyal na bisita na sina Mark Bautista, Christian Bautista, at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na mayroong mahahalagang bahagi sa kanyang isang dekada ng tagumpay sa industriya.
Sa direksiyon ng stage/creative director na si Paul Alexei Basinillo at TV director na si Louie Ignacio, saksihan ang pagbabahagi ni Rachelle Ann ng kanyang napakagandang paglalakbay sa music industry at ang kanyang hindi matatawarang galing sa pag-awit sa Miss Rachelle: The Send-Off Concert sa SNBO ngayong Linggo sa GMA 7.
- Latest