Ruffa madalas kausap sa phone si Ylmaz pero takot tumuntong ng Istanbul

Madalas nang magkausap sa overseas call sina Ruffa Gutierrez at ang estranged husband niyang si Ylmaz Bektas. Ang mga daughter nila, excited, pero si Mama Ruffing, 100 percent ang walang ma-feel!

Malamang na magkikita sa isang bansang kasali sa itinerary ng It Takes Gutz to be a Gutierrez. Doon mag-aabang si Ylmaz upang matuloy ang matagal ng planning reunion ng mag-aamang Turkish.

Hanggang ngayon kasi afraid pa si Ruffa na tumuntong ng Istanbul. Baka hindi na siya makabalik sa Pilipinas!

Kapuso may ilalabas na alas para kay Aljur

Kahit sino hindi mapipigilan ang ABS-CBN at GMA 7 sa pagsasagawa ng Dyesebel at Kambal Sirena sa ere. Formidable ang cast ng sa Channel 2; sa Siyete naman ipagmamalaki ang award-winning acting ni Aljur Abrenica.

Nangingiti ang aming mga kakaibigan sa media kapag tinatanong kung alin ang lulubog sa ilalim ng dagat at malulunod sa rating. Kahit hindi sagutin kung ano namang palabas ang makakalangoy ng mabilis sa pampang ng mataas na rating, obvious na rin.

Ang mahalaga, may kalabang show ang Dyesebel kaya hindi sila puwedeng magpalamig-lamig at baka sila ang maglaho sa karagatan! Bilib naman kami sa lakas ng loob ng Kapuso Network. Puwede namang idaan sa mga state-of-the-heart special effects upang may panlaban sila. Ang bulong ng isang Kapuso, hintayin lang ninyo ang aming malaking sorpresa.

Baka may babalik na bruha sa network upang gumanap ng Bangenge o Tacloba!

Producer nagalit sa pralala na kumita ang pelikula kahit hindi

Nagalit ang isang producer sa kanyang mga pralalang sobra magdagdag ng padding. Ilusyon kasi ng kanyang mga artista, genuine figures ang nilalabas nila kaya humihingi ng malaking bonus!

Baka nga naman mag-abono pa siya at malugi, sa halip na tumubo!

Music video ni Aiza, gay na gay!

Nakakaintriga ang music video ni Aiza Seguerra na Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa. Ang plot kasi nito love triangle pero isang menchu lang ang nasa istorya.

Ang other party, si Kuya Aiza lagi ang pinapakitang lungkot na lungkot. Kaya tuloy hinuhusgahan itong isang tunay na gay video. Puwedeng-puwede naman ’yon dahil malapit na ngang ikasal sa January 2015 sina Aiza at Liza Diño.

Bb. Pilipinas sobrang sinala para makasiguro sa tatlong panalo

Magaganda at piling-pili ang mga official candidate sa Bb. Pilipinas 2014. Kailangan kasing mag-uwi ang mga ipapadala sa mga worldwide pageant ng at least tatlong titles!

Sigurado ang isang beking designer na pawang tunay na girls ang kalahok. Wala sa kanilang tiboli, bisexual, o nagtatago sa dilim.

Kylie sobrang selosa kay Aljur kaya nagpakalayu-layo

Mula sa kampo ni Kylie Padilla, matunog ang usapan na nagkakalabuan ang dalaga at ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Kapag marami kasing commitments sa labas, hindi maiwasan ang may makatabing magagandang chicks kahit sa litrato lang.

Say nila, sobrang selosa ni Kylie kaya’t di maiwasan ang kanilang bangayan.

Polo pinaiiwas makipag-krus ng landas sa nakaribal na atleta

Iniiwas ng friends ni Polo Ravales na magkrus ang landas ng aktor with the athlete na nang-agaw ng kanyang chick.

Mahirap tanggapin para sa isang self-assured guy na talunan siya sa larangan ng pag-ibig.

Ganyan talaga ang buhay iho, minsan talaga kailangang kumain ka ng buhangin. Be a good loser at maghanap lang ng partner na talagang para sa ’yo.

Umiwas ka sa basag-ulo at baka ikaw naman ang ma-front page.

Show comments