^

Pang Movies

Rhian tinablan sa lampungan kay Piolo

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkasama  sa isang indie movie sina Piolo Pascual at Rhian Ramos. Mabilis silang nagkama­butihan dahil hindi naman daw mahirap abutin si Piolo kahit sikat na sikat na ito.

“Maalalahanin siya at gentleman sa set.  Masayang kasama,” sabi ni Rhian at sa mga love scenes naman, kapag nakikita ang nude figure ko, tinatakpan niya.”

Nag guest si Rhian sa Tonight with Arnold Clavio at tinanong siya nito kung sa scale of 1 to 10, ano ang ire-rate niya sa love scene nila ni Piolo? Sagot ni Rhian :  “Eight. Kasi talagang nadala ako, e.”

Nagkasundo raw silang mabuti dahil nagkataon, parehong KC ang pangalan ng ex nila. Si Piolo, KC Concepcion.  Siya (Rhian), si KC Montero naman. “Pero kung hindi nag-uusap sina KC C at Piolo, kami naman ni KC M., nag-uusap pa rin, nagbabatian pa rin kapag nagkikita.”

Erik seryoso sa alok na kasal kay Angeline

Ang unang balita ay si Angeline Quinto raw ang nag-propose na pakasalan si Erik Santos. Pero mas totoo ang balitang si Erik raw mismo ang nag-propose na pakasalan si Angeline.

Kuwento ni Angeline,  “Nasa Dubai kami noon dahil sa ASAP, tapos ang sweet-sweet ni Erik sa akin. Sabi niya, sana pagtanda raw namin, kami pa rin ang magkasama. Ang nice naman niyang samahan ako sa pagsa-shopping ko sa Dubai.”

Si Rufa Mae Quinto ang unang naging gf ni Erik. “Natakot” daw ito noong una na patulan si Angeline dahil ‘Quinto’ din daw ito.  Naalala niya ang eskandalong nangyari noong sila pa. Pero ngayon, mas feel ni Erik na ibang-iba at malayung-malayo si Angeline kay Rufa Mae.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

ARNOLD CLAVIO

ERIK

ERIK SANTOS

NASA DUBAI

PERO

PIOLO

PIOLO PASCUAL

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with