Ruffa nagsalita na sa pagdalaw sa dating asawa!

MANILA, Philippines - Nakahanap na ng bagong “bahay” ang Gutierrez Family, ang E! Network. Sa international network ilalabas ang reality show nilang It Takes Gutz To Be a Gutierrez na napapanood sa Channel 57 sa Skycable, Cignal Channel 25, at Cablelink Channel 33.

Present sa media launch ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, Ruffa, Raymond, and Richard. Siyempre ang sagutan ng mag-inang Annabelle at Ruffa ang kinagiliwan ng media.

“I am very excited about the show the first family reality series that’s going to be shot in Asia. We’re very proud that now we can announce to all of you a new home on E! We’re very proud to be part of their family!”  pahayag ni Ruffa.

Ayon kay Raymond limang buwan ang ginugol ng pamilya para sa pagpili ng network. Pinigilan nila ang sarili na mag-tweet at magsalita tungkol sa negosasyon.

Kuwela naman ang pagbati nina Annabelle.

“I’m sorry I cannot speak straight English! That’s my problem now! Everyday I practice two page English with my grandchildren! Ha! Ha! Ha!

“I’m so happy and proud at hindi ko in-expect na makita ko ang byuti ko sa international channel! Dream come true!

“Tahimik talaga ako rito. Tahimik ang Gutierrez family! I said maghintay na lang kayo kaya inabot kami ng five months because of the contract!

“Kung lahat sila English ako Taglish dahil gusto kong mag-enjoy mga tao sa akin!” saad naman ni Tita Annabelle.

Sabi naman ni Chard, isang one great adventure ang show na dapat abangan ng tao.

Sa gagawing cruise ng Gutierrez, makakasama raw nila si Sarah Lahbati.

“You will see some shots of Sarah and me,” matipid na sagot ni Chard.

Pero pagdating sa bagong apo na natsitsismis na anak ng dalawa, walang diretsong sagot ang Gutierrez, huh!

“Abangan ninyo na lang kung meron o wala!” diin ni Tita A. “ Manood ka na lang Dong! Hahaha! “ tugon ng lola.

Eh sa tsismis na bumisita si Ruffa sa dating asawang si Yilmaz, itinanggi niya ‘yon. Pero nag-uusap pa rin sila at kung payag sumama sa reality show, “Kung papayag siya na sumama sa show why not? Dalhin ko mga bata dun! If not siya ang pumunta rito!”

Show comments