Susundan na si Bimby James yap gusto na uling magkaanak

Of course ka-join ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazolla sa celebration ng San Mig Coffee Mixers ng kanilang PBA Championship sa EDSA Shangri-La Hotel.

Maligayang-maligaya ang dalawa, ayon sa mga dumalo, at mukhang malapit na ang kasalan. Kapag ang isang Pinoy naman ang magpapakasal sa isang dayuhan, maraming mga papeles at requirements ang kailangan.

Say ng iba, baka bago nila makumpleto ang mga papers, mauna pa ang kanilang unexpec­ted break-up.

Opinion naman ng mga close sa couple, imposibleng magkahiwalay pa ang dalawa, na gusto nang masundan ng hard court hero ang kanyang pa­nganay na si Bimby. This time tiyak na Tisoy o Tisay ang magiging kapatid ni James Jr.

Actor at sexy starlet tuloy ang tsugihan kahit may kanya-kanyang karelasyon na

Imposibleng maniwala ang mga kasama sa produksyon ng macho actor at sexy starlet na break na sila. Sa isang location taping kasi, nakita ang aktres na nakaupo sa kandungan ng aktor. Hindi lang basta nakaupo, mukhang ‘‘sitting in the park’’ ang position ng girl at gumigiling pa!

Sa kanilang pamamasyal naman sa nasabing lugar, daig pa ang naka-epoxy na hindi magkahiwalay ang dalawa, panay pa ang kissing scene off-cam! Ang kanilang pralala, meron na silang kanya-kanyang bagong ka-partner!

Kung sabagay, hindi naman nila sinabi na tumigil na sila sa pagtitikiman kung kinakailangan!

Proyekto ni Marian ginaya na

Everytime we see Marian Rivera in person, lagi siyang nagniningning. Doon nga sa media launch ng Sof & Mmmmm concentrated fabric conditioners, nasabi niyang ‘‘Kapag tunay kang maligaya, marami kang magagawang magagandang bagay sa iyong trabaho at sa kapwa tao.’’

Ang aktres always truly happy. Meron silang sapat na panahon ni Dingdong Dantes na magpasyal sa mga hideaway upang magkaroon ng quality time for each other.

Ang pamimigay ng motorized banca ni Marian sa mga biktima ng bagyong Yolanda, sinundan na ng mga kapwa artista at maging foreign celebrities. Pati nga ang ibang network namimigay na rin ng mga banca sa mga nasalantang pamilya.

Anne at John Lloyd nali-link na?

Lumabas bigla na gusto nang hiwalayan ni Anne Curtis ang kanyang boyfriend, dahil ayaw siyang yayaing magpakasal. Sumunod agad ang siyete na magkakabalikan sina Anne at John Lloyd Cruz. Paano na ang current steady ni Lloydie?

Pati ba naman ang mga lalabas na commercial kanilang i-promote sa love angle? Pati ang pag-inom ng kung ano, dapat meron munang romansa!

May edad na aktres, nangungumisyon sa pagbubugaw

Binalak ng isang wrangler na aktres na maglako ng aliw. Kaya lang over aged na siya at baka hindi na mabenta sa flesh trade!

Kailangan niya ang pera upang mabuhay. Kaya sa halip na ang sarili ang ilako, naging mamasang na lang siya at kumikita na sa mga komisyon!

Cristine aminadong hirap kalimutan si Rayver

Ang hirap kalimutan ni Cristine Reyes si Rayver Cruz. Umaamin ang sexy na hanggang ngayon nasa puso pa rin niya ang former boyfriend.

Siyempre naman pati si Sarah Geronimo, nahirapang mag-move on after Rayver. Sa palagay n’yo kaya, kuntento na ang singer/actress with Matteo Guidicelli? Aba huwag si Mommy Divine ang tanungin ninyo.

 

Show comments