Tatay ni Michael hindi umeeksena, nanay nagpapaka-stage mother

MANILA, Philippines - May nag-alok ng endorsement/ad kay Michael Christian Martinez na dumating na mula Sochi, Russia. May gusto ring kunin siya sa TV o pelikula. Pero kahit tempting pa, ayaw niya muna dahil mas pinaghahandaan daw niya ang nalalapit na Bulgaria Junior World Championship sa March 13.

Panay ang papel ng nanay niyang si Maria Teresa Martinez na ob­vious ang pagka-stage mother. Enjoy na enjoy niya ang tawag sa kanyang “model mommy” ng isang atleta.

Marami ang nagtatanong kung bakit laging nanay niya ang naka-paskel sa kanyang bawat kilos ni Michael. Nasaan ba ang tatay ng skater? Hiwalay ba ito sa nanay niya o matagal nang nawala?

Sen. Bong idinidiin na naman

Hindi nakakalimot sa mga kaibigang press si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. na isa sa tumulong sa amin nang maoperahan ang inyong lingkod. Nang namatay naman ang photographer na si Fely Igmat, nagpunta siya sa burol nito at nakiramay.

Nahaharap sa panibagong problema si Sen. Bong dahil biglang sumipot itong dating Technology Resource Center Director Genenal Dennis Cunanan.  Palagay ng senador-aktor, isa sa mga nasa likod nito ay ang kanyang makakatunggali sa pulitika. Alam ni Sen. Bong na mainit ang mga mata sa kanya dahil ito ang makakabangga niya sa presidential elections sa 2016 kung sakali. Kaya ngayon pa lang, “sinisira” na siya.

Daniel at Kathryn walang maamin sa relasyon

Sa March 26 ay birthday na ni Kathryn Bernardo, debut niya ito. Eighteen years old na siya at gusto niyang maging special ang party niya.

Si Francis Libiran ang gagawa ng debut gown niya. Si Daniel Padilla ang special consort niya. Sila na nga kaya ngayon?  “Friends pa lang kami,” sabi ni Kathryn.  Sabi naman ni Daniel: “Hindi pa kami ni Kathryn.”

Patapos na sa ere ang kanilang Got to Believe at hindi na ito pinahaba pa.

Show comments