^

Pang Movies

Kris naliwanagan sa ginawa sa anak!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Si Kris Aquino mismo ang nagsabi na ngayon ay payag na siyang mas magkaroon ng magandang relasyon ang da­ting asawang si James Yap sa kanilang anak na si James Jr., at iyon ay dahil sinabi naman daw ng dating asawa na naging mabuti siyang ina sa kanyang anak.

Kung natatandaan ninyo, noong una ay hindi ganyan ang sitwasyon. Ayaw na ngang ipakita halos ni Kris ang kanilang anak kay James, at may panahon pang pinapipirma niya ang dating asawa ng dokumento na payag na itong palitan ng Aquino ang apelyido na dinadala ng kanilang anak. May nauna pa rin siyang statement na gusto niyang magkatagpo na lang ang mag-ama kung malaki na si James Jr., na kung iisipin mo ay talaga namang mali.

Ang naging problema ay sa pagitan nina Kris at James. Ipagpalagay na nating totoo ang bintang na kahit na noong panahong nagsasama sila ay nagkaroon ng ibang affairs si James, hindi dapat kasama sa kanilang naging problema ang kanilang anak. Dumating ang punto na hindi na sila nagkasundo, naghiwalay na sila, pinawalang bisa na ang kanilang kasal na idineklara namang wala pala talagang bisa sa simula’t simula. Nagkaroon sila nang mas matinding samaan ng loob sa paghahatian nila ng properties matapos na maghiwalay, dahil kinuha nga ni James iyong inaakala niyang dapat naman ay sa kanya. Pero kung dahil sa samaan ng loob na iyon ay ilalayo naman ni Kris ang kanilang anak sa tunay na ama, sino nga ba ang nawalan?

Parang mali na nawalan ka ng asawa, gusto mo naman mawalan din ng tatay ang anak mo. Iyan ang karaniwang mali ng mga mag-asawang nagkakahiwalay. Nagiging weapon nila ang anak para makaganti sa nakahiwalay.

Ngayon mabuti naman at naisip ni Kris na kailangan ng bata ng isang ama.

Jolina nakapanganak na

Nanganak na si Jolina Magdangal. Nagpunta lang daw sa ospital si Jolina para sa kanyang check-up pero may naging problema kaya ang naging desisyon ng kanyang ob-gyne ay isailalim na siya sa cesarean operation at manganak na, dahil baka kung hindi ay mahirapan pa siya Isang 6.8 pound boy ang kanyang isinilang. Matagal na naman nilang alam na lalaki ang magiging panganay nila ni Mark Escueta. 

Pero mas excited at talagang proud ay ang lolo ni Pele na si Jun Magdangal. Mabilis niyang nai-post sa kanyang social networking account ang picture ni Jolina at ng apo. Ngayon lang din mukhang nagkaroon ulit ng excitement ang publiko sa panganganak ng isang artista. 

Mga sinabi ni Tito Sotto sa libel sa internet lumabas na tama

Ngayon, idineklara na ng Korte Suprema na naaayon sa Saligang Batas ang libel sa internet. Natutuwa kami riyan dahil magkakaroon na ng responsibilidad ngayon ang mga blogger na kung anu-ano ang sinusulat sa kanilang mga web sites. Dapat naman, maging responsable rin sila sa kanilang mga ginagawang blogs. Lumalabas na tama ngayon ang sinasabi ni Senador Tito Sotto.

 

ANAK

JAMES

JAMES JR.

JAMES YAP

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

JUN MAGDANGAL

KANILANG

KORTE SUPREMA

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with